Coco Martin, ikinumpara sina Julia Montes at Yassi Pressman sa paborito niyang ulam

Coco Martin, ikinumpara sina Julia Montes at Yassi Pressman sa paborito niyang ulam

- May nakakakilig na pagkumparang ginawa si Coco Martin sa pagitan nina Julia Montes at Yassi Pressman

- Inihalintulad ni Coco ang dalawa sa paborito niyang ulam

- Isiniwalat din niya ang paborito niyang pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpara ni Coco Martin ang dalawa niyang leading ladies na sina Julia Montes at Yassi Pressman sa paborito niyang ulam.

Nalaman ng KAMI na marunong din pala siya magluto at tinuloy pa niya ang hilig dito sa pag kuha ng course na HRM.

Coco Martin, ikinumpara sina Julia Montes at Yassi Pressman sa paborito niyang ulam

Coco Martin, ikinumpara sina Julia Montes at Yassi Pressman sa paborito niyang ulam (Photo: PhilNews)

Ayon sa PUSH, sinagot ni Coco ang mga tanong ng taga-media sa launch ng kanyang commercial na Sarsaya Oyster Sauce na ginanap sa Las Casas Fiipinas de Acuzar restaurant sa Quezon City.

"Kung ako naging ulam? Siyempre adobo. Para habang tumatagal, sumasarap," tugon niya habang tumatawa.

Nang tanungin siya kung anong ulam si Yassi, "Si Yassi? Siguro beef steak. Isa sa masasarap kainin."

Para kay Coco, si Julia ay maihahalintulad sa all-time favorite na Kare-Kare, "Basta kare-kare, masarap," paliwanag niya.

Kare-Kare rin daw ang isa sa mga ulam na paboritong lutuin ni Coco.

"Actually, paborito ko talaga mga street food. Lumaki ako sa Novaliches, e hindi naman talaga kami mayaman. Kumbaga, kung papipiliin mo ako ngayon kung steak o mga tokneneng at ibang street food, mas pipiliin ko ‘yung street food kasi doon ako lumaki.

"Kapag dumadaan ako sa may Retiro sa Blumentritt, lagi akong kumakain sa paresan doon. Mula noong bata ako hanggang sa nagtratrabaho na ako, ‘yun talaga ang nakagawian ko. Hindi ako sanay sa mga pagkaing sosyal."

Kinuwento rin niya ang kanyang hilig sa pagluluto.

"Actually, marunong talaga akong magluto kasi noong bata ako, ako talaga ‘yung assistant ng lola ko everytime na nagluluto siya. Yung favorite kong lutuin, kare-kare."

Ang lola naman niya ang naghahanda ng kanyang baon. Pangarap din niyang maipagtayo ito ng karinderya.

"Every morning gumigising siya ng 4am para ipagluto ako ng baon ko.

"Alam niyo naman ‘yung medyo may edad na, kapag nakikita nila na wala na silang gaanong ginagawa, naiinip sila sa bahay. Ang kinakatakot ko, ‘yung manghina siya. Ngayon, honestly, iniisip ko na magtayo ng kahit maliit na karinderya lang, basta malinis, para may pagkaabalahan siya. And para ‘yung baon ko araw-araw, doon ko na kukunin. Tipid!"

Sina Coco Martin at Yassi Pressman ay mapapanood sa drama series ng ABS-CBN na 'Ang Probinsyano.' Ginaganapan nila ang role nina Cardo at Alyana. CocoYass naman ang tawag sa kanila ng kanilang mga fans.

Habang si Julia Montes naman ang rumored girlfriend ni Coco. Walang nagiging pag-amin sa dalawa pero madalas silang makitang magkasama.

Social experiment conducted by HumanMeter in the streets of the Philippines just ahead of the RiseUpTogether march held every year to empower the LGBT community. This time we are checking how people react to a gay couple expressing love in public.

Social Experiment: Philippine Gay Couple Expressing Love In Public - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel