Guro binantayan muna ang baby ng estudyante habang si Nanay ay kumukuha ng pagsusulit

Guro binantayan muna ang baby ng estudyante habang si Nanay ay kumukuha ng pagsusulit

- Walang kapantay ang hirap at sakrispisyo na ginagawa ng mga ulirang guro

- At ang ilan pa sa kanila ay handang tumulong para lang umagapay sa kinabukasan ng kanilang mag-aaral

- Ito ang nangyari sa isang guro sa Laguna na laman ng usap-usapan ngayon dahil sa pagbabantay ng baby ng kanyang estudyante habang kumukuha ito ng pagsusulit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang guro na si Leodel Narvaez ay talaga namang pinag-uusapan at nagtrending sa Facebook pagkatapos ng isang estudyante niya ay pinicturan siya habang karga-karga ang anak ng kanyang estudyante.

Ayon pa sa kwento ng estudyate na naispatan ng KAMI, kumukuha pala ang Nanay na estudyante ni Sir Leodel ng pagsusulit.

Dahil hindi naman ito makakakuha kung may batang karga-karga ay kinuha ito ng guro at kinarga muna para lang makakuha ng pagsusulit ang kanyang estudyante na ina ng baby.

Umani ng libo-libong reaksyon ang post na ito at daan-daang mga likes at comments.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa nasabing mga litrato ni Sir Leodel na karga-karag ang baby.

"Lodi kita sir .. bait mu talaga"
"wow sir good job"
"lodi tlg c sr.....salute!!"
"SIR VIRAL KNA PO "
"Isang huwarang guro . Ang isang tulad mo ser Leodel Narvaez keep it good work Ser proud ako SA mga katulad mo ser to all teachers of gov.felicisimo t. San Luis national agro industrial high school sobra babait at soppurtive ng mga guro Jan"

At ang iba naman ay hinashtag ang show ni Jessica Soho sa GMA-7 na "Kapuso Mo, Jessica Soho."

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel