Terrence Romeo, sinagot na ang mga pahayag ni Kris Aquino patungkol sa kanya

Terrence Romeo, sinagot na ang mga pahayag ni Kris Aquino patungkol sa kanya

- Nagbigay na ng reaksyon si Gilas player Terrence Romeo sa mga naging komento ni Kris Aquino tungkol sa kanya

- Nagpalitan din ang dalawa ng komento sa social media

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauna ng inulat na nagpahayag ng opinyon at komento si Kris Aquino patungkol kay Gilas player Terrence Romeo.

Nalaman ng KAMI na sumagot na si Terrence sa mga sinabi sa kanya ng 'Queen of all Media.'

Matapos mag-komento ni Kris na gusto niyang kaibiganin si Terrence ay sumagot naman ito sa naging pahayag niya, na inulat ng Fashion Pulis.

"Gusto kita kaibiganain. #fan sorry wrong spelling KAIBIGANIN," unang pahayag ni Kris.

"@krisaquino same here mam. im humbled po. Salamat po sa support," ang naging tugon ni Terrence.

Muling sumagot si Kris at nagpaliwanag, "@tbvromeo07 ganyan ang pananaw ko sa buhay- pag pamilya o kaibigan, lalong lalo na sa gipitan, walang iwanan. You've been raised well by your parents- nag SORRY ka pero pinaintindi mo ng klaro ang paninindigan mo."

Lubos na nagpapasalamat si Terrence sa suportang ipinakita ni Kris sa kanilang team.

"@krisaquino maraming salamat po mam. It takes one to understand one. Keep supporting Gilas po. God bless you and your family," pagtatapos ng Gilas player.

Terrence Romeo, sinagot na ang mga pahayag ni Kris Aquino patungkol sa kanya

Terrence Romeo, sinagot na ang mga pahayag ni Kris Aquino patungkol sa kanya (Screenshot: Fashion Pulis)

Iba-iba ang naging opinyon ng mga netizens sa naging palitan ng dalawa ng komento. May mga nagsasabing may point si Kris at meron din namang nagsasabing nakikisawsaw lang ito sa issue.

Read some of the comments from netizens below:

"May point naman talaga si Kris. Alam ko ang mali nila pero naiintindihan ko kung bakit nila ginawa yun. Kita naman sa video. Yung nagsabing nakakahiya ang team Gilas, bakit kayo mahihiya? May kinalaman ba kayo sa basketball? Yung hirap ba ng basketball team para mag train at lumaban, kasama ka ba dun? Yung tina-trash talk at sinisiko sa mukha, kasama ka ba dun? Bakit makikisama ka sa kahihiyan?"

"But then, kahit pa ganyan ang history ni Terrence iba naman ang nangyari ngayon. Obvious sa video what drove them to violence. And kahit pa anong motivation ni Kris, she still has a point."

"same thoughts with kris. things happen for a reason thats why he explained why it happened. yes the way yhey reacted was wrong thus he admitted and apologized. sometimes we should not only look at things superficially, learn to think deeper because there is more that what meets the eye."

"For me,parang nirerelate ni Kris sarili nya sa reasoning ni TR.Yun bang ipagtatanggol ka ng kaibigan, at walang iwanan.May mga naming kaibigan ata si Kris na ng nawala sya sa ABS Hindi sya Nadamyan,things like that.kaya feel nya andg sinabi ni Terrence"

"Wow nakisawsaw nanaman yung desperada sa atensyon raised him well??? Diba sya yung dumura sa kamay at nakipagshake hands??? Raised him well??? Eeewwww"

"eto nanaman si kris. kung saan may mainit na issue, sasawsaw at sasawsaw sya talaga"

Trending topic na ng ilang araw ang naging gulo sa pagitan ng Gilas at Australia sa FIBA World Cup nitong Lunes, July 2 na ginanap sa Philippine Arena sa may Bocaue, Bulacan.

Nagpahayag din si Kris Aquino ng pag-panig sa Gilas team at sinabing "We did watch what transpired over & over again, even in slow-mo... The team is suffering enough, and they have given so much effort for our country. Hindi ba natin sila pwedeng damayan at suportahan ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy?"

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

This Philippines public prank will leave you laughing in tears! Today, we are going to take selfies with random people in the mall and observe their reactions. Are you ready to have a good laugh? Would you be able to take a selfie with a random person? Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Click “Play” and watch these funny reactions right now!

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel