Binatikos ni Tricia Robredo, anak ni VP Leni Robredo, ang Gilas Pilipinas
- Ginamit ng anak ni Vice President Leni Robredo ang kanyang Twitter account para ipahayag at ipaabot ang kanyang obserbasyon hingil sa gulo kamakailan lang sa Philippine Arena
- Dahil na din sa naging mainit na diskusyon, banatan, at bangayan na umabot na nga sa buong mundo ay hindi naiwasan ni Tricia Robredo ng magbigay ng kanyang opinyon
- Hindi nagustuhan niya ang reaksyon ng Gilas Pilipinas at lalong nadismaya siya sa mga fans at supporters dahil mali na nga daw ay ginagatungan pa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ang sigalot laban sa Gilas Pilipinas at Australi sa first round ng '2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers' noong Lunes sa Philippine Arena ay talaga namang pinag-usapan ng mga basketball fans sa buong mundo.
At ngayon nga ay pati na rin ang anak ng Bise Presidente ay nagkomento tungkol sa gulo.
Naispatan nag KAMI na ipinahayag ni Tricia Robredo ang kanyang disappointment o pagkadismaya sa nangyari sa match ng dalawang koponan lalo na nang ang Gilas Pilipinas ay nagpose ng selfie pagkatapos ng away.
Napa "Hay" at sad emoji si Tricia Robredo sa tweet na ito.
Pero hindi niya pinalampas ang mga basketball fans na nandoon sa nasabing sitwasyon na dumagdag pa daw sa gulo kaya lumaki at sumabog ng tuluyan imbis na tumulong para mapanatili ang kapayapaan.
Unang lumabas ang balitang ito sa 'Pinoy Trend.'
At sa pagtatapos niya ay nagbigay papuri siya kina June Mar Fajarod, Gabe Norwood, at Baser Amer.
Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.
Panoorin sa babang video
Watch more HumanMeter YouTube videos
Source: KAMI.com.gh