Kinalimutan ang love life! OFW, naiahon sa hirap ang mga magulang at 10 mga kapatid

Kinalimutan ang love life! OFW, naiahon sa hirap ang mga magulang at 10 mga kapatid

- Kahanga-hanga ang OFW na ito na ginawa ang lahat para makapundar para sa kanyang malaking pamilya

- Kinuwento niya ang malaing pagbabago sa kanilang buhay nang unti-unti na silang nakakabangon sa kahirapan dahil sa pagtatrabaho niya abroad

- Maski ang sariling kaligayahan na magkaroon ng 'love life' ay isinantabi ng OFW na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Sa tamang panahon", isang kasabihan na laging nasasambit lalo na kung tayo ay may inaasam, bagay man o pangyayari.

Minsan matinding pagsusumikap talaga ang dapat gawin upang makamit ang isang bagay.

Gaya na lamang ng OFW na ito na nagbahagi sa KAMI ng kanyang karanasan para lamang matupad ang pangarap niya sa kanyang pamilya na magkaroon ng maginhawang buhay.

"Sa tamang panahon", nakabili siya ng lupa, nakapagpakabit ng sariling linya ng kuryente at tubig. Nakabili ng lupa at bahay at nakapagpatapos ng kapatid.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na binahagi niya sa KAMI.

"Ang aking MUNTING PANGARAP:

Ako ay ika lima sa labing isang magkakapatid. Dami ah. Noong bata pa ako wala akong ibang pinangarap kundi ang mag laro at makapagtapos lang ng pag aaral. Nang makita ko kng gaano kahirap ang aking pamilya nag sumikap ako‍♀️ at nangarap na balang araw maitaguyod ko sila kahit sa konting kaginhawaan dahil sa alam ko imposible na tumagumpay ako sa aking hangad dahil sa sobrang kahirapan.

Kinalimutan ang love life! OFW, naiahon sa hirap ang mga magulang at 10 mga kapatid
source: supplied

Sa musmos na isip plng ako ay nag tatrabaho na pra mkapag aral khit na elementarya plang, working student umpisa pa ng grade two hanggang grade 6 nakikitira sa ibang tahanan pra may pambaon.Nakapag aral ng high school sa tulong ng scholarship pra sa mga kapos palad (SOM). Dito ko natutunan kng paano maging matatag, maging reponsable☝️ at higit sa lahat ang makilala ang.PANGINOON. Pinalad na mkapagtapos ng high school na malayo nnman sa pamilya. Nakapagtapos, nag trabaho at bumalik ulit sa pamilya dahil sa hirap talaga ng buhay at gusto ko mag aral sa kolehiyo. Kahit na ang mga kaklase ko noon nkapagtapos na at ako mag uumpisa pa lan

Sumubok nnmn ng mga Scholarship program at salamat sa TESDA nkapag aral ako ng HRM ng dalawang taon, at salamat sa tiya at tiyo ko na tumulong pra sa allowances ko. Pero ang pangarap ko talaga maging guro saklap talaga!!!! nawawalan na ako ng pag asa sa kadahilanang wla nmn ako perang pantustus. Pero di din pla ganon kadali ang lahat kelangan mo maghanap nnmn ng trabaho pra mabuhay at matupad ang iba pang gusto mo.

Sinubok ang mag abroad nkapag abroad bilang Dakilang Yaya. Lakasan lng ng loob sanay nmn ako na mapalayo sa pamilya at sa trabahong bahay.Salamat sa kursong HRM dami ko natutunan sa kusina...

Kinalimutan ang love life! OFW, naiahon sa hirap ang mga magulang at 10 mga kapatid
source: supplied

Di mo alintana kung ano ang naghihintay sau pagdating mo sa ibang bansa. Salamat at ang bait ng naging amo ko my isang bata lng sa una at dumaan ang ilang bwan nasundan nnm ng isa. Wala akong alam sa pag aalaga ng bata pero dito ko natutunan kng paano maging isang INA, walang tulog sa gabi, puyat sa araw dahil akin lahat. pero kinaya ko un sa dalawang taon.

Nakapag paaral ng kapatid at isa ngguro.Nakabili ng lupa pra sa pamilyang nakikitira lang sa lupa ng iba. Masakit isipin na lagi nalang kau pinapaalis dahil sa di nyo nga pag mamay ari.

Natapos ang dalawang taon at umuwi pero di din natiis ang kahirapan bumalik ulit at nag abroad sa dating mga amo parin. Ngaun mas marami na ring gastusin di ko namalayan wla din ako naiipon dahil sa kahirapan ng pamilya. naumpisahan ko na rin ipatayo ang bahay ko at di pa natapos malaki pa kc ang gagastusin. Pero tinopak nnmn ako natapos nnmn ang dalawang taon nka uwi nnmn ako. Salamat sa mga kaibigang tumulong sakin, ang pamilyang laging andyan habang nsa pinas ako at nakapagtrabaho (L.Family),

at di nagtagal nag abroad ulit sa ikatlong pagkakataon sa parehong amo parin. Sobrang mabait at masipag ako eh kaya kinukuha nila ako ulit. Sa ikatlong pagkakataon medyo nakakaluwag na, malalaki na ang mga alaga ko at dalawa na kmi ang katulong sa bahay di na masyado stress ang yaya. at tumaas na din ang sahod sa awa ng Diyos.

Kaya sa pagkakataong ito, nakabili na ako ng tricycle pra ky tatay kc tagal nya ng pangarap yan pero dahil sa matanda at ngkakasakit na xa di na xa nkakapasada, late man tay pero naibili prin kita dito ako naiyak promise!!. Nakapag pa kuryente na tau di na tau nkiki-jumper sa kapitbahay.nakapag patubig na rin ng di na mamroblema si mader ng tubig.

At sa wakas eto na malapit na din matapos ang BAHAY na pinangarap ko noon, konting kembot nlng. Pero di pa rin matigil ang gastusin birthday, binyag, kasal, pag aaral at naghihintay na rin kng sino mauna sa hukay haha..(tawa lang saglit)

Si ate parin. laging si ate. Ok lang basta masaya kau masaya na rin ako. Mamatay man ako ngaun MASAYA NA AKO. Pagmamahal at resibo lng maiiwan ko.hahaha..

Nagkaka edad na si Ate pero eto kumakayod parin. Gusto ko na ding magpamilya pero parang DI PA PINAGBIBIGYAN NI LORD.

Isang masayahing bata, masipag at matulungin, pero habang tumatanda ata ang pagiging masayahin ko ay my nakakubling lungkot kahit sa mata ng mga pamilya ko at kaibigan yon ang nakikita purong saya lang. Kng nakikita nyo man sa mga post na sobrang saya eh un ay maiparating sa inyo na OK lang AKO AT BUHAY PA…

Normal lang naman na umibig tau at masaktan nko ayaw ko na muna isingit ang lovelife.. ohh ayan.. na inspire lng ako na mag sulat ngaun ng munting talambuhay ng pagsusumikap ko. PERO DI KO SINABI NA MAYAMAN NA KAMI HA baka maraming mag react, as usual prin isang kahig isang tuka.

Kaya habang bata pa at my lakas magsumikap at mag ipon. Mag ipon pala next step. Hwag mawalan ng pag asa kng bigo man sa life o lovelife hayaan na yan ang isipin my kakainin kayo kinabukasan.

Dapat advance lang mag isip

SALAMAT SA PAGBASA"

Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica