Maris Racal, umaming nag-away sila ni Loisa Andalio at hindi na sila best friends

Maris Racal, umaming nag-away sila ni Loisa Andalio at hindi na sila best friends

- Guest si Maris Racal sa “Tonight With Boy Abunda”

- Umamin siyang hindi na sila best friends ni Loisa Andalio

- Sinabi rin niyang nagkaroon sila ng away ng kapwa aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakatanggap ng matinding tanong si Maris Racal mula kay Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda.”

Nalaman ng KAMI na tinanong ni Boy kung best friend pa rin ni Maris si Loisa Andalio.

Ayon kay Maris, magkaibigan pa rin sila ni Loisa pero hindi na best friends.

Inamin din niyang nagkaroon sila ng away ng aktres. Sinisi naman niya ang ilang fans nila na pinag-aaway silang palagi sa social media.

“Yes, nagkaroon po ng away.

"Hindi naman yung sobrang away. Siguro misunderstanding na lang.

“Malaking bagay po yung mga sobrang harsh na comments ng fans. Lagi kaming naku-compare—who's better, who's not…

“Nagki-create kami ng wall between social media and reality, and dun po kami nag-focus sa reality, na okey naman po kami,” sabi ni Maris , ayon sa PEP.ph.

Narito ang interview ni Maris with Boy:

Ang current love team partner ni Maris ay si Iñigo Pascual, anak ng Kapamilya superstar na si Piolo Pascual.

Si Maris at si Loisa ay nagsimula sa showbiz sa pamamagitan ng reality show na Pinoy Big Brother.

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel