Unico hijo ni Robin Padilla na si Ali, kahawig ni Daniel Padilla?

Unico hijo ni Robin Padilla na si Ali, kahawig ni Daniel Padilla?

- Bukod sa nagagandahang anak ni Robin Padilla sa kanyang mga minahal na babae ay may napakagwapong nagbibinata na unico hijo din ang 'Sana Dalawa Ang Puso' aktor

- Siya ang bunso ni Binoy sa dating asawang si Liezl Sicangco at kapatid ng napakagandang sang'gre ng Encantadia na si Kylie Padilla

- Kamakailan lang ay fineature ang binata sa isang website at laking gulat na lang ng mga tao na binatang binata na ito at tila hawig sa pinsan nito na si Daniel Padilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Robin Padilla ay talagang nakilala at sumikat ng husto sa pinilakang tabing dahil sa mga action films na ginawa nito.

Nakilala siya bilang si 'Bad Boy' at kilala bilang simpatico romantico at ladies man.

Kaya naman iilan din ang mga magagandang babae na nabihag ni Binoy at nagkaroon din siya ng anak o mga anak sa ilan sa kanila.

Bago pa man siya kinasal kay Mariel Rodriguez ay una nitong pinakasalan at naging asawa ang napakagandang mommy ni sang'gre Amihan, Kylie Padilla na si Liezl Sicangco.

Ayon pa sa 'Viral Department,' mayroong tatlong magagandang anak na babae si Robin kay Liezl at nag-iisang anak na lalaki, ang kanyang bunso na si Ali.

Sa pagkakaalam ng KAMI ay ipinadala ng "ruggedly handsome" na aktor ang bunsong anak na lalaki o ang kanyang unico hijo sa airport noong 2010 para manirahan kasama ang kanyang ina sa Gold Coast sa Australia.

Noong Disyembre ng 2012 ay bumalik sa bansa si Ali para makasama sa pasko ang kanyang tatay.

Ang huling taon na nakita daw si Ali kasama si Robin ay last year umano, ayon na rin sa balita.

Pero kahit hindi masyadong nakapagbonding ang mag-ama ay masaya at grateful daw ito dahil nakawitness naman daw siya sa paglaki ni Ali.

“Praise God i was blessed to see this wild boy grow up to be a young man.lahat ng hindi ko nagawa noong bata ako pinilit ko lahat magawa para sa kanya.“

Ang iba ay sinasabing kamukha daw si Ali ng sikat na pinsan niya na si Daniel Padilla at isang fan ang hindi nakapigil na magtanong dahil sa napamangha sa pagkahawig ng dalawa,

"Parang kambal LNG ?"

Pero ang iba din ay sinasabi na Robin Padilla Jr. daw ito, lalo na sa picture sa baba:

"magkamukha din sila ni Idol"
"mana ka sa papa"
Unico hijo ni Robin Padilla na si Ali, kahawig ni Daniel Padilla?

Credit: Facebook/Ali Padilla

Ayon naman sa ibang fans, kamukhang kamukha daw siya ng kanyang tatay na si Robin Padilla dito sa litrato na ito sa taas.

POPULAR: Read more news about Robin Padilla here

Sa ibang bahagi, isa na namang social experiment ang ginawa ng grupo at nagtanongtanong ng mga ilang tricky questions sa mga Pinoy.

Panoorin sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel