One big happy family! Kilalanin ang lumalaking pamilya nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa

One big happy family! Kilalanin ang lumalaking pamilya nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa

- Masayang pinakita nina Oyo at Kristine ang kanilang lumalaking pamilya

- May apat na anak ang dalawa

- Isang biyaya ang pagdating ng mga anak nila kay Kristine Hermosa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang malaki at masayang pamilya meron ang mag-asawang sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Lumalaki man ang kanilang pamilya, hindi ito nauubusan ng pagmamahal. May apat na anak ang dalawa na sina Kiel, Ondrea, Kaleb, at Vin.

Ang panganay na anak nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na si Kristian Daniel o Kiel ay ampon ng dalawa bago pa sila magpakasal noong 2011. Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dib-dib, nalaman ng mag-asawa na may polycystic ovary ang aktres na naapektuhan ang buwanang dalaw nito pati ang kanyang fertility.

Para kay Kristine, isang biyaya ang pagdating ng kanyang mga anak dahil kahit siya ay may problema, biniyayaan pa din siya na magkaanak at ngayon, tatlo ang kanyang tunay na anak. Ipinanganak ni Hermosa ang kanyang unang biological child na si Ondrea Bliss noong 2011.

Pagkatapos ang tatlong taon, ipinanganak naman ng aktres si Kaleb Hanns at noong 2016, nanganak siya sa kanilang bunso na si Marvin Valentin.

Kahit busy sa kani-kanilang trabaho, parehong hands-on parents sina Oyo at Kristine sa kanilang apat na anak. Hindi nila nakakalimutan na maglaan ng oras para sa pamilya at para sa Panginoon.

Si Kristine Hermosa at Oyo Sotto ay nagpakasal noong Disyembre 26, 2011. Sila ay kapwa aktor at aktres at napanood na sa iba’t ibang palabas sa telebisyon. Sila din ay bumida sa mga sikat na pelikula na tinangkilik ng masa.

Gusto mo bang gawing masaya ang iyong araw? Puwes, panoorin ang Extreme Selfie Prank na talagang magpapatawa sa iyo. Dito lamang yan sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel