Tatay nangongolekta ng basura araw-araw sa ilog ng Iloilo upang suportahan ang pamilya
- Isang ama ang agaw atensyon sa social media dahil sa ipinamalas na pagmamahal sa pamilya
- Sinusuong niya ang Iloilo river upang mangolekta ng mga basura
- Ito ay para mabuhay ang kanyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Bilang padre de pamilya, ang tatay ang siyang nagtatrabaho araw-hapon upang matustusan ang kailangan ng pamilya.
Isa sa mga dakilang tatay na ito si Freddie Osalya. Siya'y nagtatrabaho araw-araw upang mabigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na siya'y hindi pumapasok sa isang opisina ngunit siya'y nangongolekta bawat ara sa ilog ng basura.
Sa report ng Definitely Filipino, ang kuwento ni Tatay Freddie ay naipost sa RMN Iloilo.
Ayon sa kuwento, lahat na magagamit ay kinukuha niya. Kabilang na dito ang plastic bottles, recyclable materials, at iba pang mga bagay na tinatapon na ng tao.
Dinadala ito ni Tatay sa junk shop at binebenta, nang sa ganun ay magkaroon siya ng pera.
Hindi inaadya ni Tatay Freddie ang hirap at panganib na kaakibat sa ilog. Ito ay para lamang mabigyan ng pagkain at mapag-aral ang kanyang mga anak.
Dahil sa ginagawa ni Tatay Freddie, maraming netizens ang naantig ang puso. Sabi nga nila hindi lamang pamilya ni Tatay Freddie tinutulungan niya, pati na ang kalikasan ay nakikinabang sa ginagawa niya.
Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.
Source: KAMI.com.gh