Nasaan na si Brigitte de Joya? Ang dating bold star ay nagdaranas ngayon ng matinding sakit at problema umano sa droga

Nasaan na si Brigitte de Joya? Ang dating bold star ay nagdaranas ngayon ng matinding sakit at problema umano sa droga

- Ibinahagi ng dating bold star ang kanyang pinagdaanan na sakit

- Ibinunyag ni Brigitte de Joya ang kanyang dinanas noong may sakit na kanser

- May panibagong problemang kinakaharap ang dating bold star

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng dating bold star na si Brigitte de Joya na siya ay dumanas ng sakit na breast cancer. Ang dating bold star ay naging emosyonal nang ibinahagi niya na nakipaglaban siya sa sakit at sumailalim sa chemotherapy noong 2013-2014.

Nasaan na si Bridgette de Joya? Ang dating bold star ay nagdaranas ngayon ng matinding sakit at problema umano sa droga

Photo credit: @ABS-CBN News

Ayon sa dating bold star, mabuti na ang kanyang kalagayan ngayon at nalampasan ang sakit na kanser. Ngunit, pagkatapos ng masakit na dinanas, may panibagong problema nanaman na kinakaharap si Brigitte de Joya. Nahaharap ang dating bold star at ang kanyang kinakasama sa kasong nauugnay sa ilegal na droga.

Nadakip si Brigitte de Joya at ang kanyang kinakasama na si Marciano Camacam sa kanilang bahay sa San Fernando, Pampanga. Nakakuha ang mga pulis ng 8 sachets ng hinihinalang shabu, 2 bote ng ilegal na likido, at mga drug paraphernalia. Tahimik lamang ang dating bold star nang tanungin kung gumagamit siya ng ilegal na droga.

Nasaan na si Bridgette de Joya? Ang dating bold star ay nagdaranas ngayon ng matinding sakit at problema umano sa droga

Photo credit: @Philstar.com

Kasama ang dating bold star sa drug watch list ng pulisya at siya din ang tinuturong supplier ng ilegal na droga sa kanilang barangay. Makakaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act si de Joya at ang kanyang kinakasama.

Gusto na din makita ng dating bold star ang kanyang mga anak na matagal ng mawalay sa kanya.

Si Brigitte de Joya ay dating bold star at unang nakilala nang bumida siya sa pelikulang Kangkong noong 2001. Panandaliang nagpahinga sa showbiz ang dating bold star dahil nagpakasal siya sa aktor na si Miguel Moreno. Ngunit, makalipas ang ilang taon, naghiwalay ang dalawa dahil inakusahan na niya ito ng pananakit.

Nais mo bang malaman kung paano mag-yoga lalo na sa mga baguhan? Panoorin ang Yoga for Beginners at alamin kung ano ang tamang gagawin upang makamit tamang pagyoyoga. Mapapanood lamang ito sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Barangay Ginebra crushes San Miguel Beer in PBA Governor’s Cup

Barangay Ginebra crushes San Miguel Beer in PBA Governor’s Cup

Barangay Ginebra crushes San Miguel Beer in PBA Governor’s Cup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel