Andrew E. inaakusahan na diumano'y nangopya ng kanta mula sa American hip-hop group
- Kamakailan lang ay laman ng balita ang 'I Can See Your Voice' Sing-vestigator na si Andrew E. dahil sa diumano'y 'plagiarism' o pangongopya
- Isang thread sa 'Reddit' ang tumawag sa pansin ng rap icon dahil sa pagkakapareha daw ng kantang pinasikat niya noon at tumatak hanggang ngayon
- Ayon pa sa nasabing thread, ang kantang 'Humanap Ka Ng Panget' na nireleased noong 1990 ay tila o diumano'y kapareha sa kanta ng 'Cash Money & Marvelous' na 'Find An Ugly Woman' noong 1988
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naispatan namin ang nasabing nakakagulantang na balita tungkol sa isa sa mga rap icons ng musika ng Pilipino na si Andrew E. sa 'Phil News.'
Ayon pa sa nalaman namin, ang naturang balita ay unang binahagi ng 'MYX' na unang nakakita sa nasabing thread sa 'Reddit.'
Sa napag-alaman ng KAMI, tinawag ang atensyon ng beteranong rapper dahil sa kanta na nagpakilala at nagpasikat niyang husto noong 1990 ang 'Humanap Ka Ng Panget.'
Lumaki, tumatak, at tumabo sa sales ang kanta at ginawan pa nga ito ng pelikula ng 'Viva Films' sa parehong taon.
Isang Reddit user ang nagbahagi ng music video ng American hip-hop group na 'Cash Money & Marvelous' na lumabas noong 1988 ang 'Find An Ugly Woman.'
Itinuro pa ang pagkakapareha ng dalawang kanta.
Ayon pa daw sa isang Redditor o Reddit user,
“I don’t think he meant “Humanap Ka Ng Panget” as a parody. He claimed that he wrote it while at a bus.”
Pero sa isang episode ng 'MYX Philippines' show ay ikinwento ng legendary rapper kung paano niya nagawa ang kanta.
Sabi pa ni Andrew E. na nagtatago siya for 10 days daw at sa mga araw na iyon ay sinulat niya umano ang nasabing kanta.
Sa babang video ay ang kanta ng American hip-hop/rap group na Cash Money & Marvelous na 'Find An Ugly Woman' na unang inireleased noong 1988.
At sa sumunod naman na video ang kanta ni Andrew E. na 'Humanap Ka Ng Panget,' ang sinasabing diumano'y kinopya sa naturang kanta ng American group.
Bago pa man siya nakikita ngayon bilang isa sa mga bibong 'Sing-vestigators ng 'I Can See Your Voice' na hosted by Luis Manzano sa 'ABS-CBN' ay unang sumikat si Andrew E. bilang isang rapper at aktor.
At ang pinakauna na kanta na kinanta nya na talaga namang tumatak sa Pinoy music ay ang 'Humanap Ka Ng Panget' noong 1990.
At dahil pinag-uusapan din ngayon ang 'gay pride' na kamakailan lang ay ginunita ng mga LGBT sa Pilipinas, narito ang isang social experiment na nagpapakita sa iba't-ibang reaskyon ng mga Pinoy pagnakakita ng isang gay couple na in love in public.
Watch more HumanMeter YouTube videos here
Source: KAMI.com.gh