Lakas trip! Barkada na umorder ng lahat ng nasa menu ng Jollibee, nag-viral

Lakas trip! Barkada na umorder ng lahat ng nasa menu ng Jollibee, nag-viral

- Isang barkada ang naisipang umorder ng lahat ng nasa menu ng paborito ng mga pinoy na Jollibee

- Umapaw ang pagkain nila sa hapag, at di nila halos naubos ito. Kaya naman naisipan nilang ipamigay ang pagkain sa mga taong nangangailangan

- Nag-viral ang post na ito sa facebook dahil sa ibang level ng obsession sa sikat na fast food chain sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing may pusong Pilipino ka kung ikaw ay makailang balik na sa paboritong fastfood chain ng bayan, ang Jollibee.

Gaya ng barkadahan ng facebook user na si Shantelle Jade Abella Suarez kung saan umorder ng lahat ng pagkain na nasa menu ng Jollibee.

Nalaman ng KAMI na kasama ni Shantelle ang kanyang tropa na nagtangkang umubos sa umaaapaw na pagkain sa kanilang mesa na umabot daw sa halagang 6,000PHP.

“We just bought everything on the Jollibee menu. Please notice us Jollibee, uubusin namin to haha,” ani ni Shantelle sa kanyang post.

Sa sobrang dami ng pagkain, inamin ng grupo na di nila ito naubos sa isang upuan. Kaya naman pinabalot nila ang iba pang pagkain at naisipan nilang ibigay ito sa mga nagugutom sa lansangan.

“Yeah, it was fun. I mean, we didn’t finish it all but I think [we] will give it to the less fortunate,” kwento ni Jay na isa sa tropa ni Shantelle.

Samanatala, narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na ang ilan ay nagkaroon ng ideya sa susunod na bonding nila ng kanyang mga tropa.

"Ganito by gusto ko hahahahah super astiggg"

" Kung aayain nyu Kong gnto malamang kalahati nyan akin HAHAHAHAHA"

"Kaya rin naming ubusin yan ng tropa ko, basta Jollibee!"

Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica