Netizens, nagreact tungkol sa pagkatalo ni Matrica “Matmat” Centino Miss Q & A

Netizens, nagreact tungkol sa pagkatalo ni Matrica “Matmat” Centino Miss Q & A

- Marami ang sumubaybay sa naging huling tapatan ng galing sa pagsagot ng mga kalahok sa Miss Q & A sa It's Showtime

- Hinirang na panalo si Juliana Parizcova Segovia

- Samantala may napansin ang mga netizens kaya nasabi nilang unfair para kay Matrica “Matmat” Centino ang kanyang pagkatalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinirang na Miss Q & A 2018 si Juliana Parizcova Segovia sa katatapos lang na grand finals ng nasabing patimpalak sa It's Showtime.

Naunang tinanong sa huling round ng competition si Matrica “Matmat” Centino kung saan tinanong sila ng, Sa iyong palagay, ano ang pinakamahirap na tanong at bakit?

Ang top three finalists na sina Juliana Parizcova Segovia, Matrica “Matmat” Centino, at Lars Pacheco ay nagbigay g kanilang final answer upang makamit ang inaasam na tagumpay.

Ayon kay Matmat, ang pinakamahirap na tanong na nanatiling walang kasagutan ay kung bakit hindi parin tanggap ng lubusan ng mga tao ang LGBTQ community ngunit patuloy daw silang makikipaglaban para sila ay tanggapin.

Samantala, habang tinatanong ito kay Matmat, nakaflash sa screen sa likod niya ang tanong na maari diumanong nabasa ng dalawang natitirang kandidata kaya para sa ilang netizens, unfair ito para sa naunang sumagot.

Para naman kay Juliana, ang pinakakinatatakutan niya ay ang mawala ang kanyang ina sa kanyang tabi balang araw.

Para naman kay Lars ay kung bakit ganun ang kanyang katauhan. Gayunpaman, hindi niya umano papayagang diktahan siya ng ibang tao pagdating sa kanyang kasarian.

Panoorin ang kanilang huling tapatan dito:

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel