Wais kasi! Viral 'Tatay Ryan' ng Jollibee, nasabihang kuripot dahil sa labis na pagtitipid

Wais kasi! Viral 'Tatay Ryan' ng Jollibee, nasabihang kuripot dahil sa labis na pagtitipid

- Maayos nang namumhay ngayon si tatay Ryan sa viral picture noon kung saan nasa Jollibee sila ngunit dalawang anak lamang niya ang kumakain

- Kinumusta si tatay Ryan na ngayon ay tila di na namomroblema sa pang-araw araw nilang kakainin mag-aama

- Bukod sa may kinikita na siya araw-araw, nakakapag-therapy pa siya dahil sa siya ay na-stroke noon at sigurado narin ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanyang mga anak dahil sagot na ito ng aktor na si Piolo Pascual

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naalala niyo pa ba ang larawang umantig sa ating lahat kung saan makikita si tatay Ryan Arebuabo ay nakatingin lamang sa dalawang niyang mga anak habang kumakain ito ng paborito nilang Jollibee chicken Joy?

Nalaman ng KAMI na tila naging maayos na ang kanilang pamumuhay mag-aama mula nang nag-viral ang kanilang larawan na nai-post ng netizen na si Jhunnel Sarajan.

Wais kasi! Viral 'Tatay Ryan' ng Jollibee, nasabihang kuripot dahil sa labis na pagtitipid
source: Definitely Filipino

Mula noon, dumagsa na ang tulong at donasyon na kanilang natanggap dahil nalaman na rin ang istorya ng kanyang buhay kung saan iniwan siya ng kanyang asawa at siya ay inatake sa puso at na-stroke, dahila para siya ay mahirapan talaga sa paghahanapbuhay noon para sa kanyang mga anak.

Ayon pa sa Definitely Filipino, tinulungan siya ng kanyang kapatid na babae na magbukas ng bank account kung saan pwede niyang matanggap ang mga donasyon para sa kanilang mag-aama.

Wais kasi! Viral 'Tatay Ryan' ng Jollibee, nasabihang kuripot dahil sa labis na pagtitipid
source: Definitely Filipino

Ngunit, nasabihan pa ng 'kuripot' daw si tatay Ryan dahil sadyang matipid at masinop ito sa pera.

Ayon naman kay tatay Ryan, ginagamit lang talaga niya ang pera sa kung ano ang kanilang kailangan at sa tamang paraan. Nag-iipon rin kasi siya para sa kinabukasan. Isa pa, di naman daw niya iyon pera, bagkus ito ay pera ng kanyang dalawang anak na parehong babae.

Doon pa rin sila naninirahan sa 4sqm na bahay ngunit ngayon, bago na ang bubong, dingding at pinto nito.

Mula sa mga donasyon sa kanya, nakabili na rin siya ng 2 tricycle na siya niyang pinarerentahan. Bukod sa kita niya sa mga tricycle, mayroon din siyang kinikita mula sa kanyang sari-sari store na umaabot nang 500PHP kada araw.

Nabigyan din ng free therapy sa isang clinic sa Binondo si tatay Ryan nang tuluyan nang bumuti ang paggalaw ng kanyang katawan.

Nang gumanap si Piolo Pascual bilang si tatay Ryan sa 'Maalalaala mo kaya', nagboluntaryo na ang aktor na sagutin ang pag-aaral ng dalawang anak ni Tatay Ryan sa pribadong paaralan pagpatak nila ng kolehiyo at binigyan pa niya ito ng cellphone.

Wais kasi! Viral 'Tatay Ryan' ng Jollibee, nasabihang kuripot dahil sa labis na pagtitipid
source: Definitely Filipino

Sadyang pinagpala si tatay Ryan dala na rin ng pagiging responsable at mapagmahal niyang ama.

Lahat raw ito at kanyang ginagawa para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga anak.

"Hindi ko pera iyan, para sa mga anak ko iyan, Para sa kinabukasan nila, at para di sila matulad sa akin," paliwanag ni tatay Ryan.

The new Philippine challenge is already on HumanMeter. Today we have prepared a new task for passers-by. The rules are pretty straightforward. People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica