Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino

Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino

- Marami ang nagmamahal sa kanya hindi lang dahil nagbigay siya ng maraming karangalan sa bansa kung hindi ang kanyang mga maraming tulong na naibibigay sa kapwa niyang Pinoy na hindi isinisigaw.

- Kailan lang ay nagviral ang video na binigyan ni Manny Pacquiao ang isang mamang nagtitinda ng ice cream ng isang bahay dahil naantig ang kanyang puso sa matanda.

- Pero hindi lang si Mang Lino, ang mamang sorbetero, ang bibigyan ni Manny dahil isang libo pang pabahay ang pinatayo para sa kanyang kababayan sa Sarangani Province.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang Filipino boxing champ at Senador Manny Pacquiao ay pinahahalagahan ang kanyang mga tagasunod at kilala bilang isang mabait at mabait na tao sa pangkalahatan.

Ngayon, ang milyonaryo at negosyante ay tumulong sa kanyang kapwa Filipino.

Alam na alam ni Manny Pacquiao ang tungkol sa hindi pagkakapantay-pantay at ang napakalaking kahirapan na pinagdadaanan ng mga mahihirap niyang mga kababayan.

Napag-alaman ng KAMI na sinabi niya sa panayam niya kay Jessica Soho na galing din siya sa hirap kaya alam niya ang buhay nila.

Lumaki si Senator Manny Pacquiao sa matinding kahirapan bago pa man siya naging sports idol na nanalo ng walong world championships sa boxing.

Ngayon naman ay binabahagi niya ang kanyang mga blessings sa kanyang mga kababayan sa Kibawe kung saan daw siya isinilang at nagmula.

Nagbigay si Pacman ng isang libong bahay para sa kanila na libre.

Ayon pa daw sa boxing champ, masaya siya na ibigay ng libre ang mga bahay sa kanyang mga nasasakupan sa Sarangani Province galing sa sarili niyang pera at mahigit sa isang libong pamilya ang mga benepisyaryo.

Kung dati, pinapanalo niya ang kanyang laban para sa kanyang pamilya, ngayon naman ay pinapanalo niya para sa kanyang mga kababayang Filipino.

Dahil ayon pa sa Senador, hindi niya kinakalimutan kung saan siya nanggaling and palagi siyang nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng kanyang mga tagumpay.

Unang lumabas ang istoryang ito sa Facebook page ng 'Fabiosa Philippines.'

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko.

Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

At sa ibang dako, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel