Ating alalahanin ang pito sa mga kilalang artistang lalaki na maagang lumisan

Ating alalahanin ang pito sa mga kilalang artistang lalaki na maagang lumisan

- Nakakalungkot isipin na may mga iniidolong mga artista ang lumisan ng napakaaga at ngayon ating alalahanin sila.

- Ito ay ang mga pitong artistang lalaki sa Kapuso at Kapamilya network na pinag-usapan ang kanilang pagpanaw sa maagang edad.

- Ang iba ay lumisan nang sila ay umuusbong pa na mga aktor at ang iba naman ay nasa estado na kilala at sikat na.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng 'Top 10 World' sa 'You Tube' ang listahan ito at nakakalungkot na maalaala ang sakit ng kanilang paglisan pero hindi din makakaila ang tamis at saya na kanilang dinulot sa kanilang mga tagahanga.

Narito ang listahan ng pito sa mga artistang lalaki na maagang lumisan

7. Franco Hernandez

Nakilala siya bilang isa sa mga miyembro ng all-male dance group ng 'It's Showtime' ang 'Hashtags.'

At dahil dito ay mas nakilala siya bilang si hashtag Franco.

Pumanaw siya sa edad na 26.

6. Ramgen Revilla

Si Ramgen o Ram Revilla ay anak ni Ramon Revilla Sr. at half-brother ni Bong Revilla na nakilala bilang isang action star sa 'Tonyong Bayawak.'

Namatay siya sa edad na 23.

5. AJ Perez

Si AJ Perez ay nakilala bilang isa sa mga miyembro ng 'Star Magic' Batch 13 ng 'ABS-CBN.'

Sumikat at minahal siya ng kanyang mga tagahanga.

Pumanaw siya sa edad na 18.

4. Marky Cielo

Si Marky Cielo ay ang nanalo sa season 3 ng 'StarStruck' sa 'GMA-7' at naging isa sa mga most sought actor sa Kapuso.

Lumisan siya sa edad na 20.

3. Tyron Perez

Si Tyron Perez ay isa sa mga produkto ng season 1 ng 'StarStruck' na gumawa na din ng iba't-ibang show sa Kapuso, TV5, at ABS-CBN, ang huli niyang network na pinagtrabahoan.

Lumisan siya sa edad na 26.

2. Rico Yan

Si Rico Yan ay isa sa pinakasikat na matinee idol sa kanyang henerasyon.

Isa siyang aktor, TV host, spokesperson, at entrepreneur, graduate siya ng Marketing Management sa De La Salle University.

Maraming artista at fans ang nagluksa at inihatid siya sa huling hantungan niya sa edad na 27.

1. Miko Sotto

Si Miko Sotto ay anak ni Ali Sotto kay Maru Sotto, ang kapatid nina Vic at Tito Sotto.

Nakilala siya ng husto sa 'Click' at bilang Kapuso artist at girlfriend niya noong time na iyon si Angel Locsin.

Pumana si Miko sa edad na 21.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin here

Nakakalungkot isipin na lumisan sila ng maaga sa buhay at hindi talaga hustong naranasan ang buhay ng may sariling pamilya, may asawa at mga anak.

Sa ibang dako, dahil pinag-uusapan na natin ang buwan ng mga ama o mga mister, kung ikaw ang tatanungin papayag ka ba sa isang hiling ng isang mister na linlahin ang kanyang asawa?

Tingnan ang mga reaksyon ng iilan sa ating mga kababayan dito, sa isang social experiment tungkol dito

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel