Ang galing mo kid! Bata tinulungan ang isang nahihirapan na aso sa kalye
- Napuno ng papuri ang isang batang mag-aaral dahil sa pinamalas nitong kabutihan sa isang aso na sa kalye na naghihirap.
- Bumuhos ang paghanga at magagandang komento ang naturang bata dahil hindi lahat ng bata kahit matatanda ang may ganitong ginintuang puso sa mga galang aso.
- Kahit na malate siya sa pagpasok sa paaralan ay binalikan pa niya ito at pinakain ang kanyang baon dahil damang-dama ng netizes ang pagdurongog ng kanyang puso sa kawawang tuta.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang netizen ang nagpost sa isang nakakamanghang tagpo ng isang batang mag-aaral na papasok na sa klase pero huminto ng makita ang asong nahihirapan sa kalye.
Hindi naiwasan ng naturang Facebook user ang nasabing tagpo at vinideohan niya ang napakaganda at napakabuting kawang gawa ng bata.
At ito nga ay pinost niya sa kanyang social media account noong June 19, Martes.
Bumuhos ang mahigit isang milyon na views at libo-libong suporta at pagkabilib sa batang mag-aaral dahil sa hindi karaniwang pagpapakita ng kabutihang loob sa isang hayop na nahihirapan.
Nakita ng KAMI ang nasabing video at talaga naman mapapabilib ka at masasabi mong "Ang galing mo kid!" dahil sa kabutihan na pinamalas ng batang mag-aaral.
Ilang tao na ang dumaan at nakita ang aso sa kalye na nahihirapan at tila nagugutom pero parang walang nakakit at tumulong maliban sa batang mag-aaral.
Ayon pa sa pagkadinig ng netizen ng nagpost ng video na ito, ang sabi daw ng bata sa aso:
"iuuwi sana kita kaso malilate nako"
Tapos nang malayo na daw ang nasabing batang mag-aaral ay bumalik ito, siguro dahil nadurog ang puso niya na iwan ang nasabing aso.
Kaya pati baon niya ay binigay niya sa aso para hindi daw ito umiyak.
Kaya hindi napagilan ng mga netizens ang magcomment at bumilib sa bata, naghashtag pa nga sila sa programa ni Jessica Soho sa 'GMA-7.'
"Ang bait nman ng bata. Tnalo pa ung ibang matatanda. Sana lahat ng tao gnyan."
"Nkaka toch nmn yung ginawa ng bata, grabe sagad sagad yung awa nya sa ibang buhay "
"Mas madami pa yung binigay sa aso kesa para sa sarili nya. Saludo ako sayo bata!"
"sobrang bait ng batang ito kht maubos na ung baon nya wala syang pake."
"Naturuan ng magulang n matutung mgbgay kht s mga hayop...marunong magmahal kht s mga hayop"
At sa ibang dako naman, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.
Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento
More HumanMeter videos on YouTube here
Source: KAMI.com.gh