7 local celebrities na maraming achievements noong sila ay nag-aaral pa

7 local celebrities na maraming achievements noong sila ay nag-aaral pa

- Di napag-uusapan pero ito ang ilan sa mga artista na di lang sa pag-arte magaling kundi pati na rin sa kanilang pag-aaral

- Ang ilan sa kanila ay mga 'honor student' at naging 'editor-in-chief' ng kanilang school paper

- Maging si Ethel Booba na tinataasan ng kilay ng iba dahil sa nakapaglathala na ng libro ay nagtapos din ng kolehiyo at may ibubuga din pagdating sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sila ang mga artistang di lang sa pag-arte may ibubuga kundi maging sa kanilang pag-aaral ay marami-rami na ring nakuhang karangalan.

Sa kabila ng kanilang napaka-busy na schedule sa showbiz, nagawa pa rin ng iba sa kanila na isabay ito sa pag-aaral at makakuha pa ng mga awards dahil sa kanilang angking galing.

Ang iba naman ay sadyang tinapos muna ang pag-aaral bago pasukin ang showbiz.

Narito ang mga nakalap ng KAMI:

1. Coleen Garcia

Ang bagong kasal na si Coleen Garcia ay dating editor-in-chief pala ng kanilang school paper. Di lang iyon, marami pa siyang naging achievement noong siya ay nasa kolehiyo at nangunguna talaga siya sa mga outreach programs.

2. Ethel Booba

Siinorpresa tayong lahat ni Ethel nang siya ay naging author ng isang libro na 'Queen of Charotism.' Kilala rin si Ethel sa mga nakakaloka niyang komento sa kanyang twitter na bagaman ginawa niyang katatawanan, pero kung tutuusin ay malaman. Siya pala ay produkto ng University of Sto. Tomas.

3. Kisses Delavin

Bukod sa kanyang sweet face, consistent Dean's lister at honor student si Kisses na produkto ng De La Salle University. Bukod dito, suki na rin siya ng panalo sa mga beauty pageants sa kanilang paaralan.

4. Donny Pangilinan

Si Donny ay miyembro ng Brent International School basketball team. Nakapasa rin siya sa UPCAT kaya naman pasok sa University of the Philippines Los Baños sa kursong Bachelor of Arts in Multimedia studies.

5. Myrtle Sarrosa

Kamakailan lamang ay ginulat tayo ng larawan ni Myrtle na may suot na 'sablay' ng UP. Sa kanyang instagram post ung saan binahagi niya ang kanyang graduation picture, nilahad ni Myrtle ang kanyang hirap at sakripisyo at diskarte kung paano niya napanindigan ang pag-aaral sa UP habang siya ay nag-aartista. 'Cumlaude' pa siya.

6.Maris Racal

Kasabay ng napaka-busy na schedule sa showbiz, pinagpapatuloy pa rin ni Maris ang pre-med schooling niya sa Trinity University of Asia. Disiplinado ang young actress na ito na sineseryoso ang pag-aaral lalo na kung malapit na ang kanilang exams.

7. Bea Binene

Maski si Bea ay nagulat nang makakuha siya ng 99% sa National Achievement Test. Malapit na rin siyang magkaroon ng degree sa Film Making.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina

Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina

Tampo noon, bati ngayon! Pagsasamahan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta nagpapakita ng realidad na nangyayari sa mga mag-ina
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel