Napakabonggang top 10 Pinay celebrities na palong-palo sa taas ng talent fee

Napakabonggang top 10 Pinay celebrities na palong-palo sa taas ng talent fee

- Alam ng lahat kung gaano kalaki ang talent fee ng isang artista lalo na sa mga sikat at malalaking mga artista.

- Ngayon ay tingnan natin ang listahan ng top 10 Pinay celebrities na havey na havey dahil sa napakamahal na talent fee.

- Ito ay ang mga nagagandahang at talentadong mga artistang Pinay sa Kapamilya at Kapuso network.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi kaila nating lahat na pag-aartista ay malaking oportunidad na kumita ng malaking pera kaya naman marami na tayong mga celebrities na na-witness kung paano yumaman pagkatapos ng kahirapan.

Kung ang hindi masyadong sikat o malaking artista ay tumatabo ng malalaking talent fee dahil sa dami ng project, paano na lang ang mga pinakasikat at malalaking artista na hindi lang isa ang proyektong ginagawan.

Tingnan nating ang listahan na ginawa ng 'Pinoy Chika' na unang lumabas sa 'Trendscribe' channel sa 'YouTube.'

10. Liza Soberano

Ayon sa nasabing listahan, number 10 daw ang napakagandang 'Bagani' star na si Liza Soberano.

Sumikat din naman ng husto ang aktres at isa sa napaka sought-after na endorsers ng iba't-ibang produkto.

Kamakailan lang din ay nagblockbuster ang movie nya at siya din ang gumaganap na Darna ngayon.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano here

9. Anne Curtis

Sinasabing siya ang 'Country's Sweetheart' na pumasok sa showbiz noong siya ay bata pa lang kaya naman hindi nakakagulat na nasa number 9 siya.

Meron din siyang regular show na malaki ang 'It's Showtime.'

8. Marian Rivera

Ang 'Kapuso Primetime Queen' ay nakilala at sumikat na husto sa 'Marimar,' at ngayon nga ay isa na siya sa pinakasikat na aktres sa industriya.

7. Toni Gonzaga

Ang 'Ultimate Multimedia Superstar' ay hindi lang 'Romantic Comedy Queen' at 'Blockbuster Queen' siya din ay isang certified platinum at gold recording artist, singer, concert performer, endorser, at isang multi-awarded na TV host.

Kaya naman binigyan siya ng ganyang titulo.

Una siyang napansin sa iconic commercial ng Sprite.

Ngayon naman ay lumaki at lumawak na ang negosyo nila ni Alex at sa pamilya niya ang 'Happy Cup.'

6. Kathryn Bernardo

Ang dating 'Teen Queen' na ngayon ay 'Queen of Hearts' ay pumasok din sa showbiz noong siya ay maliit pa.

At ngayon isa na siya sa pinakasikat at pinakamalaking artista sa showbiz.

5. Bea Alonzo

Ang isa sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon at box office queen ng ilang beses ay nasa top 5 sa nasabing listahan.

Marami na ding pelikulat at primetime TV series at endorsements na ang kumitang husto ng aktres.

4. Sarah Geronimo

Ang 'Popstar Royalty' na si Sarah Geronimo ang nasa pang-apat ng nasabing listahan.

Si Sarah ay nag-umpisa sa showbiz ng siya ang nanalo sa 'Star For A Night.'

At ngayon maraming concerts at movies na din ang kumita ng husto at awards na tinanggap.

3. Angel Locsin

Si Angel Locsin na unang gumanap ng Darna at una talagang sumikat sa Kapuso primetime TV series na 'Mulawin' ay isa sa mga malalaking aktres ngayon na nanalo na din ng maraming awards sa kanyang pag-arte.

Ngayon, isa na siyang tinuturing philanthropist umano at siya ang nasa top 3.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin here

2. Judy Ann Santos

Ang reyna ng mga teleserye na si Judy Ann Santos ay ang top 2 sa nasabing listahan.

Kung iisipin hindi din ikakagulat dahil sa daming pelikula at TV drama series na pinasikat ng husto ng beteranang aktres.

1. Kris Aquino

Kahit nawala ng pasamantala ang 'Queen of All Media' na si Kris Aquino ay umapaw naman siya ng mga napakaraming endorsements at meron na din siyang mga social media shows at sariling cosmetics line.

Hindi lang siya aktres kung hindi producer din at writer, at ang higit sa lahat businesswoman.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa araw ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel