Minamaliit at kinukutya dahil nabuntis ng maaga, ngayon naggraduate at 'cumlaude' pa
- Nagtrending nga ang istorya ng buhay ng isang babae na ang pangalan ay Joyce-An Dela Rosa sa Facebook dahil sa nakakainspire na kwento ng buhay niya.
- Dahil nabuntis siya at 18 years old ay pinagtawanan, minaliit, at kinukutya siya ng maraming tao at may tumawag pa sa kanya na "malandi."
- Pero noong isang taon lang ay nakapagtapos siya ng pag-aaral sa degree ng 'Bachelor of Science in Psychology' at higit sa lahat nagtapos siya with honors bilang 'cumlaude.'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naispatan namin ang magandang kwento ni Joyce-An Dela Rosa sa 'Smart Parenting' na orihinal naman na itinampok ng 'Philippine Entertainment Portal o PEP' sa kanilang 'Lifestyle' section.
At ngayon naman nakita ng KAMI ang naturang kahangang-hangang kwento ng 'teen mom' na si Joyce-An.
Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na napakalaking isyu ang 'teen pregnancy' sa buong mundo at ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas na numero sa isyung ito.
Pero kung ang ibang mga teen pregnancies ay nagreresulta sa pag drop-out o paghinto ng pag-aaral, hindi para kay Joyce-An.
Kahit na sa lahat ng batikos, pamamaliit, at pangungutya na inabot niya dahil sa kanyang maagang pagbubuntis ay hindi ito naging hadlang para tapusin ang pag-aaral.
Pero hindi ganun kadali ang lahat, ayon pa sa kanya:
“I can still remember how much they laughed at my situation while saying, ‘At least kami nakagraduate on time e ikaw? Malandi.’ I've experienced failure, disappointment, and difficulties along the way. I lost faith in myself.”
Hindi din pinagsisihan niya ang nangyari at saad niya:
“I do not regret any of it because I realized it was all part of God's plan for me. He made me went through all those hardships for a reason. All those experiences were directed towards this very moment.”
Pero hindi niya ikinaila na tumagos sa damdamin nya at isipan ang panghuhusga sa kanya kahit hindi nila alam ang totoong kwento niya.
Dumating daw sa punto na ang kanyang 'self-esteem' ay nasa pinakababang antas na noong mga panahon na iyon.
Kaya daw naisipan niyang itago ang kanyang anak noong una at hindi niya pinaalam sa kanyang mga kaibigan.
Hindi din sya nagpost ng pictures ng anak niya sa socia media dahil sa isip nya ay sasabogan na naman siya ng marami pang mga insulto.
"Until such a time I came to realize that my son did not deserve this. I should not be ashamed for having him in my life; instead, I should be proud because God gave me such blessing."
Dagdag pa niya:
“From that point, I started posting pictures of us together. I introduce my son to my friends, I bring him along everywhere I go. I show the world how proud I am being a mother.”
Sa mga panahon na iyon ay nanalangin na lang siya sa Panginoon para bigyan siya ng lakas at determinasyon para tapusin ang kanyang pag-aaral.
Dahil gusto niyang patunayan na mali ang namamaliit at nangungutya sa kanya at patunayan din sa kanila na siya ay higit pa sa kanilang sinasabi.
Gusto din niyang ipakita sa kanila na walang sinuman, kahit na sila, ang makapagpapigil sa kanya mula sa mataas na pagtaas.
May ibinahagi pa siya na words of wisdom para sa kagaya niyang mga teen moms.
“It's never too late to fulfill your dreams. Life is not a race. It doesn't matter how long it took you to get that diploma. What's important is that you've finished your studies and you've equipped yourself with knowledge that would help you improve your life and the life of your children."
Dugtung pa niya:
“Remember that life is a battle and the best weapon to survive is education. The number one hindrance between you and your dreams is 'self doubt.’ so start believing in yourself."
Sa pagpapatuloy ng kanyang inspiring words of wisdome:
“Believe that you can succeed. Stop entertaining thoughts that can make you feel weak and incapable of achieving something. God gave you your child because he wanted you to become more driven and motivated."
At dagdag na sambit niya:
“You are blessed that you have experienced failure because it is only through failure that you can get to appreciate success even more. Do not look at those people who graduated ahead of you to see how far you've been left behind. But look at them for you to be inspired and see how far you can go if you will pursue your studies.”
At dahil pinag-uusapan natin ang mga tatay o mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.
Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento
More HumanMeter videos on YouTube here
Source: KAMI.com.gh