Diskriminasyon o bullying? Mga PWD sa food court, pilit daw na pinaalis ng mga guard dahil di raw sila mga 'customer'
- Nag-viral ang video na binahagi ng isa sa grupo ng mga PWD na kumain sa food court ng isang mall na nakaranas ng diskriminasyon o bullying mula sa mga guard ng establisyemento
- Di nila maintindihan kung bakit kulang nalang ay palayasin sila sa Person with Disability area ng food court gayong bumili naman sila ng 'waffle at tubig'
- Labis na sumama ang loob ng grupo dahil sa pagtrato sa kanila na tila hindi sila 'customer' ng food court
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Maraming netizens ang di natuwa sa viral video na ito kung saan, kinuwestyon ang pagtambay ng mga PWD na mute food court ng isang kilalang mall.
Nalaman ng KAMI na nag-order ng 'waffle' at tubig ang grupo at naupo sa lugar para sa mga persons with disability.
Ayon sa post ni Erikson Galura sa facebook, na binahagi ng Pilipino Scoop, nagulat na lamang sila nang bigla silang sitahin ng security guard ng food court.
"Customer ba kayo ng food court" ang tanong agad ng guard. Kaya naman sinagot nila na oo dahil bumili sila ng pagkain.
Matapos ang limang minuto, lumapit na naman ang isang empleyado pa rin ng SM at tinanong na naman sila kung sila ay customer ng food court dahil ekslusibo lamang di umano ito sa mga 'customer'.
Di man sila makapagsalita, nakakarinig naman sila kaya alam nila ang nangyayari.
Dahil an rin sa tila hindi tama ang ginagawang pagpapalis ng mga guard sa mga PWD, isang lalaki ang nagmalasakit sa grupo para i-klaro bakit sila pinapaalis.
Laking pasalamat din ng mga PWD sa di kilalang lalaki sa pagtulong nito sa kanila sa sinapit na sitwasyon.
Samantala, di rin ito ikinatuwa ng ilang mga netizens dahil di ito ang unang beses na may naganap na tila di magandang pagtrato sa mga kababayan nating PWD.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Dapat malaman ng mga kumad n empleayado at guardia n ung binili ng mga customer n waffle at tubig ay may kita ang sm n ibinabayad s kanilang sweldo, sana yang dalawang yan ay maging pwd din para malaman nila kung tama ang ginawa nila
"It doesn't make them less just because they can't hear and talk. PWDs are now reffered to as DIFFERENTLY ABLED. They can still do things that others can do, only in a different way."
".policy..???basta my signage na PWD natural alam mu dpat kng para saan yan..c kua nakakahiya kau..tsss.no need a policy..kau mgbasa ng policy ng company niu..tska FOOD COURT nga dba..?"
"I feel bad, para sa mga kapatid natin na PWD, para iapproach ng ganyan."
"Bumili ng SM water? Namili sa SM dept store or.one of the tenant shop ng SM hindi pa rin kinokonsider na customer un? Anung klaseng policy meron kau?"
Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?
Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh