Ama at dalawang anak, magkakaklase sa High School at nais ding makapagtapos
- Isang ama sa Koronadal ang naisipang pumasok din sa paaralan dahil sa biglaang naisip ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay
- Kasabay niya ang 2 sa sampu niyang anak sa pag-aaral at pare-pareho silang nasa Grade 7
- Dating naglilinis si Tatay Juan ng paaralan, ngunit ngayon isa sa na siya sa mga estudyante rito na nangangarap makapagtapos
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa Pula Campus of Bacongo National High School in Barangay Assumption, Koronadal City matatagpuan ang 52 taong gulang na estudyante ng Grade 7 na si Tatay Juan Cabel o 'Angkol' sa kanyang mga kaklase.
Nalaman ng KAMI na nagdesisyon si Tatay Juan na mag-aral muli dahil sa tindi ng hirap sa buhay at ang nakikita niyang solusyon ay edukasyon.
Ngunit di lang si Tatay Juan ang nag-iisang 'Cabel' ang apelyido sa kanilang klase sapagkat, kaklase rin niya ang dalawa sa sampu niyang mga anak.
Ayon sa ABS-CBN General Santos, Grade 6 lang ang natapos ni Tatay Juan at iyon ay 39 taon na ang nakalipas.
Ngunit ayon sa guro ni Tatay Juan, hindi naman daw siya nahuhuli sa klase, ngunit aminado ang matanda na nahihirapan lang ito sa asignaturang English.
Maagang bumuo ng pamilya si tatay Juan. Gumagawa siya ng barbecus sticks bukod sa pagsasaka at paggawa ng uling. 200 pesos lang ang kinikita niya kada linggo na talgang di sapat para buhayon ang kanyang pamilya.
Kaya naman naisip niya ang kahalagahan ng edukasyon. Para sa kanya, di pa hui ang lahat kaya naman kasama ng mga anak niyang sina Venjie at ang 26 taong gulang na si Carl Stanley.
Ngayon, sabay sabay nang aabutin ng mag-aama ang matagal nang nakabinbin nilang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ito ang magiging daan nila upang makapagtrabaho ng mas maayos at maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh