Netizen, humihingi ng tulong para sa matandang naghahanapbuhay pa para sa mga apo
- Labis ang pag-aalala ng isang netizen na nagbahagi ng kwento ni 'Ka Viring' sa kanilang lugar
- Ramdam daw niya ang hirap ng matanda na nagpapataya ng jueteng at iyon lamang ang ikinabubuhay nito
- Kinunan ng larawan ang netizen ang ID ni 'Ka Viring' para sa gustong tumulong ay diretso nang maibigay dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kabila ng mga karahasan na madalas nang mangyari sa ating mundo, mayroon pa rin namang mga taong mabubuti ang kalooban na may malasakit sa kanilang kapwa.
Gaya na lamang ng isang netizen sa facebook na binahagi ang kalagayan ng isang matandang si Ka Viring na nagpapataya lamang ng jueteng para kumita at siyang pinambubuhay sa mga apo.
Nalaman ng KAMI na lubhang nag-aalala ang netizen dahil ramdam nito na labis nang nahihirapan ang matanda ngunit kinakailangan pa nitong kumayod para sa mga apo.
Ayon sa netizen inaabutan naman niya ito ng tulong at dahil may tindahan siya, pinamemerienda niya ang matanda. Ngunit, nahihiya raw ito minsan dahil ayon kay Ka Viring paninda daw iyon ng netizen.
Narito ang kabuuan na salaysay ng netizen na nagsalaysay ng kalagayan ni Ka Viring. Sana raw ay makapag-abot ng tulong sa matanda.
Sya po si Ka Viring. Matagal napo namin sya kilala. Nagpapataya po sya ng hweteng. Umaraw man o umulan ng malakas nag babahay bahay sya para magpataya. 3 beses sa isang araw sya nag papataya. Ung payong nya sira sira na kaya nababasa pa din sya tpos ung tsinelas nya pudpod din. Tapos ung damit nya di rin maayos. Nakakawa sya tignan kasi kapag nag iikot sya para syang pagod at gutom lagi.
Nagttinda ako sa tapat ng bahay nmin. Lagi ko sya binibigyan ng miryenda kaso minsan ayaw nya kunin kasi paninda ko daw un. Di sya nanghihingi or namamalimos maliban na lang nung minsan na nsshort ung iingreso nya na pera. Nnghihiram sya sakin pero dko na pinapabayaran. Nung isang linngo binigyan ko sya mga pinaglumaan ng damit kaso imbes na suutin nya binigay nya sa apo nya. Tpos nung hiniram ko knna id nya may nkasingit na 40 pesos ata un iniipon nya dw kasi gusto nya padalhan ng pambaon ung apo nya sa laguna.
Gusto ko sana matulungan si ka viring eh. Kahit man lng sna po mga pinalumaan na damut kung meron po sana kayo tpos po payong at tsinelas sana matutuwa na sya kasi ung talaga araw araw nya gamit eh. Nababasa sya ng ulan. Malabo na din mata nya. Operada po mata nya pero wala sya salamin. Kailangan din ng salamin at kapag nagsusulat sya ng mga taya nanginginig din kamay nya. Matanda na sya eh dpat dina sya nag kikilos pero iniisip pa din nya ang kanyang mga apo. Ang kinikita nya sa pagpapataya ay 10pesos lang ata sa kada 100 pesos. So kailangan nya magikot para madmi sya mapataya 3 beses sa isang araw.
Nanjan npo ung id nya kung may gusto po sana tumulong anjan po ung details para diretso na po sa kanya sana.
You are Filipino if… What? What are the features that distinguish people of the Philippines from other nationalities? Can we be proud of them? And are these features unique? You Are Filipino If... What Makes Us Unique? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh