Ellen Adarna, manganganak na sa panganay nila ni John Lloyd Cruz, anumang oras ngayon

Ellen Adarna, manganganak na sa panganay nila ni John Lloyd Cruz, anumang oras ngayon

- Dumalo si John Lloyd Cruz sa preliminary hearing sa Pasig City Prosecutor's Office nitong Lunes, June 11

- Ito ay para harapin ang child abuse at cybercrime na kasong sinampa laban kay Ellen Adarna

- Nakiusap ang kampo nina John Lloyd na ipagpaliban muna ang hearing dahil manganganak na si Ellen anumang oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si John Lloyd Cruz ang tumayong representative ni Ellen Adarna sa preliminary hearing ng kanyang kaso nitong Lunes, June 11.

Nalaman ng KAMI na kasama ni John Lloyd ang abugado ni Ellen sa naging pagdinig.

Ayon sa PEP, umabot lang ng halos 30 minuto ang naging preliminary hearing sa kaso ng child abuse at cybercrime laban sa girlfriend ni John Lloyd.

Base naman sa ulat ng News5 reporter na si MJ Marfori ng Aksyon Prime ng TV5 ay hiniling ng kampo nina John Lloyd na i-reschedule ang hearing sa June 25 sa kadahilanang manganganak na si Ellen anumang oras.

Pumayag naman ang korte sa kanilang kahilingan.

Watch the video below:

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag na internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Lumitaw siya sa ilang mga covers ng magazine.

In the run-up to the Philippines Independence Day, we decided to go out into the streets and ask passers-by a simple but, at the same time, a tricky question: "How many colors does the Philippine flag have"? And do you know how many colors are on our flag? Happy Philippines Independence Day!

Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel