Pinay OFW, isiniwalat ang totoong ginagawa nila sa oras ng Ramadan
- Kinuwento ng isang Domestic helper sa Saudi ang kanilang ginagawa sa oras ng Ramadan
- Di man sila muslim, kinakailangan nilang sumabay sa gawain ng kanilang amo alinsunod sa relihiyon ng mga ito
- Bukod dito, kinuwento rin ng Single mom OFW ang sakripisyong dinanas niya sa kanyang amo ngunit laking pasalamat naman daw niya na di siya sinasaktan ng mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Masasabi ng single mom na OFW na ito, na ayaw ibahagi ang kanyang detalye na maswerte pa siya sa kanyang amo sa Saudi Arabia.
Gaya ng ibang kwentong OFW, nakipagsapalaran siya sa ibang bansa para mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang mga dalawang anak.
Aminado ang domestic helper na ito na di naging madali ang trabaho niya sa napasukan niya dahil na rin sa nade-delayed ang sahod niya. Di raw kasi ganun ka-yaman ang mapuntahan niyang pamilya.
Isa pa sa nai-bahagi niya sa KAMI ang mga ginagawa ng Muslim sa tuwing Ramadan. kaya naman kahit di siya muslim, kailangan niyang makipagsabayan sa mga amo niya ng mga gawain nito.
Narito ang kabuuan ng kwento ng OFW.
Isa akong single mom ofw, a DH from launion. Katulad ng ibang mga babae di nalalayo ang istorya ko sa iba. Nagmahal at iniwan. May dalawa akong anak, si Amaya at Kiko. Dahil sa kanila Kaya naisipan ko mangibang bansa. Middle East, bakit? Dahil walang placement fee o walang gastos ang pag aapply Ng DH dito . Isa ako sa libo libong pilipino nakipagsapalaran at baon Lang ay lakas Ng loob at ang durog durog Kong puso. I believe in fate. That moment pag lapag Ng eroplano sa Riyadh, Alam ko umpisa na Ng bagong journey Ng buhay ko. (Nakakakaba) siguro kase sa mga balibalita nangyayare sa mga pinay dh.
Isang taon at tatlong buwan na ko dito sa riyadh saudi Arabia. Una , di ko akalain na aabot ako Ng gnito katagal. Dahil first 3months pa Lang I'm having a hard times dealing with a 7yo girl and aware Ang mga employer ko about dun. Apat ang alaga ko, dalawang lalake 11 and 8yo, and dalawa babae 7 and 4yo. Kung sa trabaho Naman, Wala ako problema dahil apartment Lang sila nakatira. Hindi ko Alam Kung hanggang kailan at saan ako kukuha Ng unlimited pasensya. Ugali Ng mga madam, pag nag utos may kasamang sur'ah sur'ah, ibig sbhin bilis bilis. Nakakainis Noh? Walang dh dito s middle East ang Hindi relate dyan. Kung saang bahay bibisita ang amo ko, kasama ako pero need mo pa din kumilos dun. Yung dayoff na nasa kontrata is hndi natupad. Hindi na Rin ako nag insist. Delayed sahod? Ranas ko din. Pero sige Lang Keri naman. Hindi kase ganun kayaman ang napuntahan ko. Pero pag 1month delayed na nakasimangot na ko Nyan. Siguro maswerte pa din ako kase di ako nkatympo Ng nananakit. Pero sa mura ng mga Bata panalo. Hanggang sa natuto na din ako magmura sa lenggwahe nila. Pinipilit ko intindihin at unawain Ang kalagayan ko. Okay nang dahil sa pera Kaya nandito ako. Nang dahil sa pamilya ko, andito ako. Kapalit lahat Ng pagod mo, ung ngiti Ng pamilya mo pag nakapadala ka na. Wow sarap sa pakiramdam diba. Ramadan. Ito Ang kalbaryo Ng mga dh. Sasabihin ko kng bakit, Sawm o fasting ito ung gngwa Ng mga Muslim tuwing Ramadan. Titigil s pagkain ng around 3:30am at kakain paglubog Ng araw mga 6:30pm. Ang trabaho ganito, hapon pa lang mghanda ka na Ng iftar. Yung kakainin nila paglubog Ng araw. Gimat, patayr, pizza , tinapay, samboosa at kng Anu ano pa. Tuwing Ramadan din ay unli hugas at unli luto Lalo na kng mdaming bisita. Buong Gabi sila magkakape, kakain at kakain bago mag 3:30am. Ganito po talaga. Minsan ihi nalang talaga pahinga mga Bes. Minsan inuumaga na sa paghuhugas saka ka palang mkakatulog. Kaya puyat at pagod talaga pag Ramadan . Ilang araw nalang magtatapos na ito. Makakahinga na ng maluwag. Lahat PO Ng Ito napagdadaanan Ng isang dh . Hndi ko na po nabanggit Yung iba. Madami pa pong cases. Pero d bale Basta sa pamilya di ba. Lahat Ng Ito para sa Mahal namin sa buhay. Hindi lahat katulad ko n medyo mapalad. Kinoconsider ko na PO ang sarili ko na maswerte.
I'm grateful . Pasalamat ako Kay God sa guidance. Sa family ko na wlang sawang tanggapin ako, saluhin ako, ilang beses man akong madapa. I can say na okay na ko. And syangapala. Mapapayo ko sa mga kapwa ofw dh, mag ipon po tayo. Para pag uwi meron po tayo kahit konte. Konteng tiis tyaga. Fighting.
Do you know how many colors are on our flag? Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh