'Ninakaw o Binenta?' Nagpanggap daw na kasambahay diumano'y nagnakaw ng sanggol

'Ninakaw o Binenta?' Nagpanggap daw na kasambahay diumano'y nagnakaw ng sanggol

- Ayon sa balita, isang babae daw ang nagpanggap na kasambahay at diumano'y nagnakaw ng sanggol arestado.

- Pero ayon sa naturang babae hindi daw niya ninakaw ang bata dahil binenta daw ito ng ina sa kanya.

- Naguguluhan ang mga pulis kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo at ngayon inaalam na nila kung sino sa ina at sa babae ang nagsasabi ng totoo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita ng 'Saksi' ng 'GMA News' noong June 11, 2018, Lunes, isang babae daw na nagpanggap na kasambahay sa Virac sa Catanduanes ang na-aresto dahil sa diumano'y pagnanakaw ng sanggol.

Pero napag-alaman ng KAMI na tinanggi ng babae ang nasabing akusasyon dahil ayon sa kanya binenta daw ito ng ina sa kanya.

Naharang nga mga pulis sa Tabaco Port ang nasabing babae habang bitbit ang naturang sanggol.

Ayon sa babae, hindi daw niya ninakaw ang sanggol dahil ibinenta daw ito ng nanay sa kanya sa halagang 52,000 pesos.

Inaalam ngayon ng pulis kung sino daw ang nagsasabi ng totoo.

Dahil dito hindi maiwasan ng mga netizens ang magtanong at isang netizen nga ang nagtanong:

"San nmn kumuha ung katulong ng 52k pangbili ng bata at amo p nagbenta d nkakapaniwala"

Bagaman hindi nasabi sa balita kung ang sanggol ay anak ba ng may-ari ng bahay na diumano'y pinapasukan niya

Sa ngayon ay inaalam pa daw ng mga pulis kung sino sa nanay at sa babae ang nagsasabi ng totoo

Panoorin ang balita sa baba

Dahil buwan ng kalayaan ngayon ng Pilipinas, ilang kulay ba ang mayroon sa bandila ng Pilipinas?

Alamin ang mga sagot ng ating mga kababayan sa tanong na ito sa baba

For more HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel