Artistahin! Napamangha ang fans sa anak nina Gary Estrada at Wendell Ramos

Artistahin! Napamangha ang fans sa anak nina Gary Estrada at Wendell Ramos

- Sa episode ng 'Sarap Diva' ni Regine Velasquez sa Kapuso network ay pinakita nina Gary Estrada at Wendell Ramos ang kanilang mga anak na talaga namang artistahin din.

- Nagdebut ang magandang dalagitang anak ni Gary at gwapong binatang anak ni Wendell sa nasabing show sa 'GMA-7.'

- At hindi makakaila na nakuha talaga nila sa sikat nilang daddies ang kanilang mga artistahin good looks.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi makakaila na si Gary Estrada ay isa sa mga gwapong action stars noon at si Wendell Ramos naman ang isa sa mga gwapong comedy-actor stars din dati at kahit ngayon ay talaga namang walang kakupas kupas ang kagwapohan ng dalawa.

Kaya naman ay hindi na dapat ikagulat na magbunga sila ng isang maganda at gwapong mga anak.

Pero kahit na expected na natin ito, marami paring namangha na mga viewes sa 'Sarap Diva' ni Regine Velasquez ng makita sina Icee Ejercito at Saviour Ramos.

Nalaman ng KAMI na hindi lang ang mga viewers at fans ang namangha sa dalagitang anak ni Gary at binatang anak ni Wendell.

Inamin ni Gary Estrada kay Regine Velasquez na parang babae version nya ang anak na si Icee na hindi makakaila ang maganda ang combination ng kanyang mukha.

Tila pinagbiyak na bunga from her mom Bernadette Allyson at sa daddy nito.

Pag-amin din naman ni Wendell tungkol sa anak na si Saviour:

"For example wala ako, kasama lang niya (Saviour) 'yung mga classmates niya, parang sinasabi akong ako daw gumalaw pati 'yung 'pag nagpaandar na, nagyayabang na ng kuwentuhan. Pero 'pag kasama ko siya, hindi ko napapansin eh."

At nang tanungin sina Icee at Saviour if may balak ba daw silang mag-showbiz, ang sagot naman ng mga ito ay gusto muna nilang tapusin ang kanilang studies at pagkatapos daw, ay doon nalang nila ikokonsidera ang pag-aartista.

Si Gary Estrada ay anak ng yumaong aktor na si Jorge M. Ejercito o mas kilala sa pangalang George Estregan.

Napangasawa nya ang aktres na si Bernadette Allyson noong 2001 at mayroon silang anak na sina Garielle Bernice (Icee), Garianna Beatrice, Gianna Bettina, at Kiko Estrada.

Si Wendell Ramos naman ay nag-umpisa sa showbiz noong 1995 sa 'Bubble Gang' kung saan siya talagang hustong nakilala.

May tatlong anak ngayon ang komedyanteng aktor.

Tingnan ang kanilang interview sa baba

Want to look good and sexy, watch the video below

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Batang babae, nagsisilbing mga mata ng kanyang bulag na ama

Batang babae, nagsisilbing mga mata ng kanyang bulag na ama

Batang babae, nagsisilbing mga mata ng kanyang bulag na ama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel