Pinay OFW, iba't ibang trabaho ang pinasok mula pagkabata
- Binahagi ng isang OFW na si Lhori ang tindi ng mga pinagdaanan niya mula pagkabata
- Bago pa man siya makapag-abroad kung ano ano na ang kanyang pinasukan kumita lamang ng pera
- Sa di inaasahang pagkakataon, naging single mom pa siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami man tayong mga naririnig na na kwentong OFW na madalas kahirapan talaga ang dahilan ng kanilang pangingibang bansa.
Nalaman ng KAMI na gaya ni Lhorie na mula pa pagkabata, nasanay na siyang magbanat ng buto para lamang kumita sapagkat Lola lang niya ang nagpalaki sa kanya.
Namatay ang tatay niya noon, at nag-asawa naman ang nanay niya ng bago kung saan sinama ang ate niya ngunit si Lhorie ay naiwan sa kanyang lola.
Matinding seloa at inggit ang naramdaman ni Lhorie noon na ate lamang niya ang sinama ng kanyang ina, ngunit wala namang magawa si Lhorie.
“Nag aral aq [ako] lola qlng [ko lang] ng alga [alaga] sakin pero lagi niya aq iniwan.iniwanan ng bigas sabon pero alawans minsan wala,kya ng tiis aq [ako] lakas [lakad] araw araw punta school minsan walang almusal pasok parin.dahil isa aqng [akong] scholarship student,” said Lhorie.
Tuwing bakasyon, nagtatrabaho talaga siya sa murang edad. Namamasukan siya at iyon ang pinangtutustos niya sa kanyang pag-aaral.
“Minsan pg wala aqng baon ngharvest aq ng mais bayad noon isang sako is 8 pesos sobrang init pa mgkasugat sugat kpa.nglilinis aq sa bahay ng mga tao para my alawans aq,” Lhorie said.
Nang siya ay nasa 3rd year high school na, aminado si Lhori an nadala siya ng impluwensya ng barkada. Natuto siyang ng iba't ibang bisyo. Ito ang naging dahilan kaya siya ay napahinto sa pag-aaral.
Napilitang mamasukan ni Lhorie sa Maynila sa isang pamilyang intsik. 2 taon man ang kontrata niya, tinakasan niya ito dahil masama raw ang ugali.
“Sumama aq with my bestfrend pgdating manila work ko kasambahay Chinese amo q.then super sama ng ugali..dat time is year 2007 at I’m 17 years old,” she said. “dq [di ko] tinapos 2years contact q sa amo q tumakas aq.then lipat sa new amo puro pangit ugli puro Chinese.”
Nakilala niya ang kanyang nobyosa panahong miserable na talaga ang buhay niya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.
“Ng work parin aq nging sales lady sa quiapo sa mga cp/laptop accessories.bakery naging maraming aqng karanasan ng trabaho since nakasama q siya,” Lhorie said.
Taong 2010 nang siya ay nabuntis. kasabay nito ang pagsubok na sumating sa kanilang relasyon. Madalas na silang mag-away ng nobyo niya na walang trabaho. Si Lhorie ang bumuhay noon sa kanyang anak at nobyo.
Nag sila ay tuluyan nang naghiwalay noong 2014, nagdesiyon siya na magtrabaho abroad para sa kanyang anak. Nagsimula na siyang mag-apply sa iba't ibang agency
Di niya malilimutan ang petsang Setyembre 9, 2016 nang siya ay lumipad na papuntang Kuwait. Inabot ang 3 linggo ang paghihintay, ngunit naging domestic helper naman siya roon.
Wala nang hinihilaing pa si Lhorie ngayon kundi makabili ng lote para sa kanyang pamilyang maiwan sa Pilipinas.
Nagsusumikap lalo siya ngayon sa kabila ng stress at matinding pagka-miss sa kanyang anak at lola. Iniisip na lamang niya na lahat ng hirap niya ay para sa kanila.
Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh