7 Local celebrities na naranasang mawalan ng anak

7 Local celebrities na naranasang mawalan ng anak

- Ilan sa ating mga local celebrity mommies ay naranasang mawalan ng baby

- Ang ilan pa sa kanila ay di lang isang beses nakunan

- Kasama na rito ang kamakailan lang inanunsyo na nawala na rin ang pangalawa sa pinagbubuntis niyang kambal na si Heart Evangelista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lamang ay inanunsyo ni Heart Evangelista na wala na rin ang isa pa sa kambal sana niyang pinagbubuntis.

Nauna na niyang nabanggit na kambal sana ang kanyang pinagdadalang tao ngunit nawala na ang isa sa mga ito.

Hunyo 6 nang inanunsyo ni Heart sa pamamagitan ng instagram na maging ang natitira sa kambal ay nawala na rin.

Ilan sa ating mga sikat na celebrities ay nakaranas din na makunan o 'miscarriage'.

Ang ilan pa sa kanila ay di lang isang beses kaya naman nang nabuntis muli sila, doble ingat na ang kanilang ginawa.

Narito ang ilan sa mga celebrity mommies na nagkaroon ng anghel sa pagkawala ng kanilang baby sa sinapupunan.

1. Regine Velasquez

Noong 2016 sa 'Tonight with Arnold Clavio' naikwento ng Asia's Songbird na nakunan pala siya sa pagsushooting niya noon ng Darna. Ginampanan niya noon ang kontrabida role na si 'Elektra' nang nawala ang kanyang 2 buwang sanggol sa sinapupunan.

2. Neri Naig

Ang dating aktres na ngayon ay 'wais na misis' na ng bokalista ng Parokya ni Edgar ay nakunan din sa una sana nilang baby noong 2015. Sa post pa noon ni Chito Miranda, humanga raw siya noon sa katatagan ni Neri sa panahong matindi ang pinagdadaanan niya.

3. Mariel Rodriguez

Taong 2015 na yata ang pinakamabigat na taon para kay Mariel. Marso ng taon na iyon ng inanunsyo nila ang pagkawala ng unang baby sana nila ni Robin Padilla. Agosto ng taong iyon, tuwang tuwa pa naman si Robin na triplets sana ang kanilang anak ngunit, sa ksamaang palad, di rin nagtuloy ang pagdadalang tao ni Mariel.

4. Tanya Garcia

Nakunan si Tanya sa pangatlong baby sana nila ng aktor politician na si Mark Lapid. Laking pasalamat lang ni Tanya sa kanyang mister na di siya iniwanan sa panahong kailangang kailangan niya ito.

5. Pokwang

Maging ang msayang buhay ng komedyanteng si Pokwang ay nabalot din noon ng kalungkutan dahil sa nakunan siya sa una sana nilang anak ni Lee o'Brien noong 2015.

6. Saab Magalona

Marso ng taong ito nang inanunsyo ni Saab na kambal sana ang kanyang anak, isang babae at isang lalaki. Sa kasamaang palad, tanging ang lalaki lamang ang pinalad na mabuhay.

7.Jessa Zaragosa

Kamakailan lamang, ginulat tayo ng isang post ni Jessa tungkol sa pagbati sa kaarawan at pasasalamat niya sa kanyang dalagitang anak sa pagkalinga sa kanya sa panahong nawala ang kapatid sana nito.

Every movie title can be funny! We can prove it! Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Raymart Santiago, tinapos ang 19-year sa Kapuso para maging Kapamilya

Raymart Santiago, tinapos ang 19-year sa Kapuso para maging Kapamilya

Raymart Santiago, tinapos ang 19-year sa Kapuso para maging Kapamilya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel