Kahanga-hanga! Retiradong sundalo nagsauli ng libu-libong pera na napulot

Kahanga-hanga! Retiradong sundalo nagsauli ng libu-libong pera na napulot

- Sa kahirapan ng buhay ngayon ay madali na lang sa iba ang magnakaw o magkuha ng pera na hindi sa kanila.

- Kaya naman isang magandang balita ang inireport ng 'Patrol.PH' sa 'ABS-CBN News' website na isang retiradong sundalo daw ang nagsauli ng libu-libong halaga ng pera na napulot nito sa daan.

- Inihatid daw nito ang nasabing pitaka na may laman na libu-libong salapi sa istasyon ng naturang Kapamilya network.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang lahat ng ito ay nangyari sa Cagayan de Oro City at ayon sa balita, isang 65-years-old na lalaki na dating sundalo daw ang dumulog sa istasyon ng 'ABS-CBN' sa naturang siyudad noong Martes.

Si Felipe Huesca, ang nasabing retiradong sundalo na dumulog sa naturang istasyon sa CDO at ayon sa balita ay ito ay dumulog nga ay dahil para isauli ang pitaka na may laman na libu-libong salapi na nakita nya diumano sa kalye.

Salaysay ng dating sundalo, papunta na daw sana siya sa opisiang na isang 'cable company' nang makita nito ang nasabing pitak na puno ng pera na nahulog sa daan.

Laking gulat ng 65-year-old na si Felipe Huesca dahil nakita nya ang maraming pera sa loob ng pitaka noong pinulot nya daw ito.

Naisipan ni Huesca na isauli ang pitaka na may laman na maraming pera dahil daw pakiramdam nya ay sinusubakan ang kanyang pagkatao.

Ayon sa balita ay sa tingin nya pagsubok daw iyon sa kanyang pagkatao ang pagsauli ng mga bagay na hindi naman sa kaniya.

Saad ni Felipe Huesca:

"Iniisip ko na itong pera ay mawawala din at 'yung dangal natin kailangan mapangalagaan."

At sa pagtatapos ng dating sundalo:

"Ang may ari nito sigurong namomroblema na sa ngayon at naghahanap sa pera kaya isauli natin."

Humanga ang mga netizens sa retiradong sundalo at kaya naman nagbigay sila ng mga komento ng papuri kay Felipe Huesca.

Kahanga-hanga! Retiradong sundalo nagsauli ng libu-libong pera na napulot
Credit: Pixabay/12019
"I salute you sir! Marami parin pala tao'ng tulad nyo sa panahin eto. Isa sa katulad nyo ang ispirasyon ko sir. Sa lahat ng lahi nyo gaya nyo. Ng dumami uli tao tulad nyo. Pg palain po kayo ng my kapal na c jesus. Bagamat hindi naman sakin pera yan, ako nag ppa salamat pari sa nyo ginoo. Ka hanga hanga po kayo tulad ng iba tao na nag ssa uli bagay na nappulot nila. Eto po ako sumasaludo sa nyo po sir"
"My salute to PA Officer Huesca for doing something good for returning a wallet with money to the owner. God bless sir!"
"Magandang idea yan sa mga taong naghihikahos sa kahirapan para di mahikayat na angkinin o itago ang perang di naman nya pinaghirapan(emojis) Saludo kame sayo kuya magandang hangarin yan tandaan may ganti ang bawat gawain na maganda pagpalain ka ng diyos na may kapal amen"

Sa kabilang dako, sabi nila kailangan daw natin ng pera para maging masaya kaya ang tanong ngayon ay kung magkano ba talaga ang pera na kailangan natin para maging masaya.

Panoorin ang mga sagot ng ilang netizens sa tanong na ito sa video sa ibaba.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin

Hot: