Magsasaya ang bungangerang misis dahil mabuti daw ito sa kalusugan ni mister

Magsasaya ang bungangerang misis dahil mabuti daw ito sa kalusugan ni mister

- Ayon sa pag-aaral, ang pagbubunganga daw ng mga misis sa mister nila ay mabuti sa kalusugan ng huli.

- Kung isa kang bungangerang misis ay hindi ka na dapat malungkot ayon sa nasabing pag-aaral dahil ito nga'y makakabuti sa kalusugan ng iyong mister.

- Meron din naman daw benepisyo sa kalusugan ang asawa na bungangera ayon sa limang taong pagsusuri at pagsisiyasat.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa alam natin ang masayang pag-aasawa ay maiiugnay sa mas mabuting kalusugan at hindi na kailangan pa na kung ano-anong scientific proof na ang isang harmonious na pagsasama ay pumipigil ng stress, anxiety, at tumutulong para mapanatili ang iyong tamang pag-iisip sa kabila ng mga hamon ng pag-aasawa.

Pero meron din naman daw benepisyo sa kalusugan ang asawa na bungangera.

Nalaman ng KAMI sa 'The Asian Parent Singapore' website na ang mga mananaliksik ay nag-survey ng mahigit isang libong mag-asawang participante sa pagitan ng ages 57 at 85 years old.

Sa pagtatapos ng naturang 5-year study, 389 doon ay may diabetes.

Ang diabetes kasi ay kailangan ng constant na pagmo-monitor, at ang mga lalaki ay kailangang ng constant na pag-aalala na alagaan ang kanilang sarili.

Ayon sa pag-aaral ng 'Michigan State University,' ang mga mister daw na mayroong bungangerang asawa ay may lower risk sa pagkakadevelop ng diabetes in the future.

Magsasaya ang bungangerang misis dahil mabuti daw ito sa kalusugan ni mister
Credit:Pixabay/809499

Dahil daw pag mayroon kang asawa na bungangera meron daw magpapa-alala sa mister na wag kalimutan magpa-check-up sa doctor, uminom ng kanilang vitamins, kumain ng mabuti, at sa pag-aalaga para sa kanilang sarili.

Ayon sa MUS associate professor of sociology at lead investigator sa pag-aaral na si Hui Liu:

“The study challenges the traditional assumption that negative marital quality is always detrimental to health."

Dugtong pa nito:

“It also encourages family scholars to distinguish different sources and types of marital quality. Sometimes, nagging is caring.”

At nag-explore din daw ang 'The New York Times' sa wonders ng tinatawag na 'nagging effect.'

Dahil sa pagbubunganga nga daw ng asawa ay ang mga mister ay na i-encourage na mas alagaan ang kanilang sarili at dahil nga sa bungangerang misis ay mas madali na nakakakuha ng treatment ang mga mister in the event of a heart attack.

Ayon sa pyschology professor na si Howard Markman ang pagtitiwala at pagkakaintindihan ay napakahalaga at dagdag pa nito na:

“Nagging is the enemy of love, if allowed to persist.”

Pero ayon naman sa pag-aaral tungkol dito, ang pagbubunganga o nagging ay maaring maging positibo.

Magsasaya ang bungangerang misis dahil mabuti daw ito sa kalusugan ni mister
Credit: Pixabay/rawpixel

At may mga pahabol na tips para sa masayang pagsasama mayroong pagbubunganga ayon sa mga eksperto.

1. Dapat daw ay may tiwala sa iyong asawa para makompleto ang gawain

Magpaalala sa asawa pero dapat ay ilagay sa tamang lugar. Ika nga daw:

"Choose your battles."

2. Maging pasensyoso kung ang asawa mo ay nagkamali

Learn to appreciate daw all their efforts at ipaalala sa kanila na mahalaga siya sa iyo.

3. Maging tapat sa pagmamahal

Mayroon daw paraan na magsabi ng diretsa sa kanila kung ano man ang nais mong sabihin na hindi mo siya masasaktan.

4. Akuin ang pagkakamali

Ang palaging pagbunganga daw sa asawa ay nakakawala ng kompinsya sa sarili at maramdaman daw nila na kulang sila lalo na pagdi mo inaamin ang iyong pagkakamali.

Check out more HumanMeter YouTube videos

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin