OFW sa Dubai, nagmalasakit bilhan ng rubber shoes ang isang Indiano na sira na ang sapatos

OFW sa Dubai, nagmalasakit bilhan ng rubber shoes ang isang Indiano na sira na ang sapatos

- Nagmalasakit na bilhan ni Marky Melecio ng isang pares na rubber shoes ang Indian na nakita niyang sira ang sapatos sa train station sa Dubai

- Nang malaman pa ni Marky ang kwento ng Indian, mas lalo siyang naawa rito kaya di siya nagdalawang isip na tulungan ito

- Nag-viral ang post niyang ito sapagkat maraming netizens ang humanga sa kanyang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga hanga ang ginawa ni Mark Ronald Melecio na nagmalasakit sa isang di kilalang Indian na napansin lamang niya na sira ang sapatos.

Sa kanyang facebook, binahagi ni 'Marky' kung paano siya naawa at di nagdalawang isip tulungan ang isang Indian na napansin lamang niya na sira na ang sapatos.

Nalaman ng KAMI na di niya kilala ang indian at sa Train station lamang daw niya ito nakita. Lalo pa nang nakakuwentuhan niya ito at nalaman ang kalunos lunos na sinapit nito sa kanyang buhay.

Nalaman ni Marky na Rajkumar Kerthi ang pangalan ng Indiano na isa pa alang kargador. Kumikita lamang ito ng 1,200 Dirham o nasa 17,000 piso babawasin pa roon ang nasa 10,000 piso na upa sa bahay at pagkain niya.

Ang masaklap pa roon, ipapadala na ni Rajkumar ang natitira niyang pera sa kanyang pamilya na loob sa utang.

Nadurog lalo ang puso ni Marky nang malaman na nagpakamatay ang tatay ni Rajkumar dahil sa laki ng kanilang utang na nasa tinatayang 840,000 piso.

Dahil dito, ramdam ni Marky na walang pambili ng sapatos ang Indiano kaya naman sinamahan niya itong makabili ng bagong sapatos.

Narito ang kabuuan ng post ni Marky:

“Sya po si Rajkumar Kerthi isa pong Indiano. Nakasabay ko sya kanina sa Metro Train Station dito sa Dubai at naka agaw pansin sa akin ang sira-sira nyang sapatos. Kaya agad ko sya kinausap. Dun ko lang nalaman na galing pala sya sa trabaho at pauwi na ng bahay. Si Rajkumar ay isa pong Loader at Unloader at tumatanggap ng 1,200 Dirham na sweldo. Babawasan pa ito ng 450 para sa room rent at 250 naman para sa food sharing sa flat nila. Sa 500 Dirham na natira ipapadala pa nya ito sa India para maka tulong sa pamilya lalo na may binabayaran sila na Loan worth 70,000 Dirham (P840,000). Dahil sa loan nag suicide daw ang tatay nya last Dec. 2013 lang. Kaya naman kahit gustuhin nyang bumili ng bagong sapatos ay di nya magawa. Sobrang saya ko ngayong araw na to dahil nung nag hiwalay na kami nakita ko sa mga mata nya kung gaano sya kasaya at di ko tuloy mapigilan na mapaluha. Feeling blessed.”

Sadyang nakaka-proud itong si Marky sa ginawa niyang pagmamalasakit sa taong di man niya kilala, ay buong puso pa rin niyang tinulungan sa paraang kaya niya.

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? How Much Money Do You Need to Be Happy? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica