OFW na hinalikan ni President Duterte, nagsalita na ukol sa kontrobersyal na insidente

OFW na hinalikan ni President Duterte, nagsalita na ukol sa kontrobersyal na insidente

- Nag-viral ang OFW na hinalikan sa labi ni President Rodrigo Duterte sa South Korea

- Nagsalita na ang OFW ukol sa insidente

- Ayon sa kaniya, mayroon na siyang asawa’t mga anak pero wala raw malisya ang paghalik sa kaniya ng Pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang overseas Filipina worker sa South Korea na hinalikan ni President Rodrigo Duterte sa labi ay nagsalita na sa wakas ukol sa nangyari.

Nalaman ng KAMI na mayroon na palang asawa’t mga anak ang babaeng hinalikan ng Pangulo.

“Married po ako sa Koreano, meron po akong dalawang anak,” sabi niya sa video interview sa Manila Bulletin.

Pero klinaro niya na ginawa lamang nila yun ng Pangulo para pasayahin, pakiligin at aliwin ang audience sa Seoul, South Korea.

"Walang malisya 'yun… Iyung kiss, parang twist lang iyun, pampakilig sa mga audience. Walang ibig sabihin iyun, promise... Sa kaniya, sa akin, walang ibig sabihin," ipinaliwanag niya, ayon sa quote mula sa ABS-CBN News.

Marami ng naging mga komento ukol sa mga babae ang Pangulo na derogatory.

Sinabi niya minsan sa mga sundalo na barilin sa aria ng mga babaeng rebelde.

Nag-komento rin siya na gusto niyang lalake at hindi babae ang maging susunod na Supreme Court Justice.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte here

Today we will come to the streets of Philippines to ask people how much money they need per month to feel happy & comfortable. The HumanMeter team will go both to the poor & wealthy areas to get an objective picture. How Much Money Do You Need to Be Happy? – on HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta