Nakakagulantang! Babae nanganak sa anak ng asawang tatlong taon ng patay

Nakakagulantang! Babae nanganak sa anak ng asawang tatlong taon ng patay

- Hindi makapaniwala ang online world tungkol sa kwento na shinare ng 'Facebook' page na 'Your Queen' kaya ito naging viral dahil pinag-uusapan talaga.

- Ayon sa balita na unang lumabas sa 'Showbiz Read' website, Pei Xia Chen ay gusto talagang magka-anak sa kanyang 32-year-old na police officer sa 'New York Police Department or NYPD.'

- Sa kasawiang palad ang asawang police na si Wenjian Liu ay binaril at napatay habang nasa loob lang nga patrol car kasama ng isa pang police noong December 2014 pero tatlong taon pagkatapos lumisan ng asawa ay pinanganak ni Chen ang kanilang anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lahat naman yata ng magsing-irog ay gustong magka-anak pagkatapos mag-asawa pero sa kasawiang palad, ang pangarap ng isang babae na si Pei Xia Chen na maging isang ina ay biglang naputol na ang asawa na si Wenjian Liu, isang 32 years old officer ng 'New York Police Department,' ay namatay tatlong buwan pa lang sa kanilang pag-aasawa.

Pero hindi ito nakapigil sa kanya na matupad ang kanyang pangarap na magdadalang tao sa kanilang anak.

Nalaman ng KAMI na dahil sa kagustuhan ni Chen na magkaroon ng anak sa nasawing asawa na si Wenjian Liu, hiningi daw nito na ang ifrozen daw ang sperm ng asawa sa gabi ng pagkasawi nito ayon din sa balita para mayroon pa syang chance na makaanak kahit wala na ito.

Nagbuntis nga sya sa kanilang baby galing sa sperm ng yumaong asawa na pinafrozen nya. Kaya pagkatapos nga ng tatlong taon ay nanganak sya ng isang malusog na batang babae noong Martes ng July 25, 2017 at pinangalanan nya na Angelina.

Ayon din kay Chen, na naginip daw sya sa asawa nya sa gabi ng pagkamatay nito at sa panaginip na iyon ay ibinigay daw sa kanyang ang isang anak na babae kaya nga daw malaki talaga ang paniniwala nya na magdadalang tao sya sa anak nila.

Mag-iisang taon na ang baby ni Pei Xia Chen sa kanyang yumao na 'NYPD' officer na asawa na si Wenjian Liu.

More HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel