Binunyag ni Ian Veneracion ang isang pagbabago sa buhay nilang mag-asawa at mga anak na naging kapalit ng kanyang kasikatan

Binunyag ni Ian Veneracion ang isang pagbabago sa buhay nilang mag-asawa at mga anak na naging kapalit ng kanyang kasikatan

- May matinding pag-amin si Ian Veneracion patungkol sa kanyang asawa at mga anak

- Ayon sa kanya, ay ayaw na raw siya makasama ng mga ito at ipinaliwanag niya ang dahilan

- Nag-kuwento rin siya kung may nabago ba sa buhay niya ngayong successful na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May matinding rebelasyon si Ian Veneracion patungkol sa kanyang asawa at mga anak kamakailan lang.

Nalaman ng KAMI na madalas ding ikumpara si Ian kay Richard Yap na parehong sikat sa kanilang 40s.

Pero ayon sa aktor, hindi ganito ang tingin niya sa kasikatan. Ibang-iba ang pananaw niya pagdating sa pag-arte kaya rin siguro siya nagtatagumpay.

"Ako, personally, I don’t use that as basis, eh. Kasi, for example, I love my job as an actor, obviously. I love working with different people. I love telling stories, doing scenes, and some shows napapansin, some shows, hindi napapansin. That’s beside the point, actually.

"You don’t do these things to become rich and famous. Because obviously, it’s for the wrong reasons. You do it because you love doing these things. And if it so happens to make you famous, eh ‘di good. If it happens to bring money in, eh ‘di good. Pero it’s the wrong motivation for anything, I think. Even paintings or music or anything, you do it because you love doing it."

Ayon sa ulat ng Abante, walang nagbago sa buhay ni Ian kahit na mas kilala na siya ng mga tao ngayon.

"I drive the same car, I’m living in the same house, I have the same wife, the same kids. I play the same guitar ever­y morning, I ride the same motorcycle. It’s the same.

"Yun nga, parang siguro, nagbabago lang ang perception sa ‘yo ng ibang tao. ‘Pag kunyari, click ang show mo ngayon or hindi click ang show mo ngayon. Parang ‘yung perception sa ‘yo nagbabago, pero ikaw, wala naman talagang diprensiya sa ‘yo, eh."

Inamin naman ng aktor na may isang nagbago sa buhay niya. Ayon sa kanya, ngayon daw ay ayaw na siyang makasama ng kanyang asawa at mga anak sa labas, marahil nawawalan na sila ng privacy ngayon dahil sa status ni Ian.

"For example, ‘yung wife ko, aayain ko sa ganyan, ‘Huwag na lang, pa-deliver­ na lang, bili na lang’ or something. Kasi ‘yun nga, ‘pag may moments na you wanna spend together, how can you spend together it there are other people goin­g in between.

"So, I totally understand that and I don’t blame her for not being used to it because hindi naman siya showbiz. So, even my kids are like that," paliwanag ni Ian.

Hindi alam ng nakararami pero mahilig at mahusay din kumanta si Ian Veneracion. Kamakailan lang ay nagkaroon siya ng concert titled 'Ian in 3 Acts' na ginanap sa Waterfront Hotel, Cebu noong April 21.

Bukod sa Cebu ay nagkaroon din siya ng concert sa Newport Performing Arts Theater at Resorts World Manila nitong nakaraang May 13.

Harassment: the great fear of every woman. Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Today we will go to the streets to get the answers to these questions. Are you ready to hear the shocking truth?

Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel