OFW na niloko ng asawa, napagtapos na ang dalawa sa anim niyang mga anak na tinataguyod niyang mag-isa
- Binahagi ni Rose Dumao kung paano niya kinayang itaguyod ang kanyang 6 na mga anak mag-isa
- Noong una ay ayaw pa niyang makipaghiwalay sa manloloko niyang asawa ngunit di na siya nakatiis kaya bumukod na sila ng kanyang mga anak mula sa ama nila
- Isinakripisyo ni Rose ang mga pansariling pangangailangan para lamang maibigay ang lahat sa kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
May ilang mga bagay tayo na kayang tiisin lalong lalo na pagdating sa ating pamiilya.
Lalo na kung ikaw ay isang ina na handang saluhin ang lahat ng hirap at sakit para lamang di ito maramdaman ng iyong mga anak.
Gaya lamang ni Rose Dumao na talagang nagsakripisyo para sa kanyang anim na anak.
Noong una, ayaw pang hiwalayan ni Rose ang kanyang manlolokong asawa na nilarawan din niyang pahirap sa kanilang pamilya, Ngunit dumating sa punto na napuno na siya at di na niya kinaya kaya naman iniwan na rin niya ito at mag-isang tinaguyod ang mga anak.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Rose na binahagi niya sa KAMI.
Ako c melrose, single parents ng 6 na bata, 44 yrs old.
Nagumpisa akong magabroad 33 yrs old pa lamang, at my asawa pa, di ko iniisip nahiwalayan Ang ama ng mga anak ko sa kabila ng sa loob n 14yrs naming pagsasama 2 taong lamang itong naging masaya, sa dahilan mahalaga Ang kaligayahan ng mga anak ko pra sa akin.. sa kabila ng manloloko nya tiniis ko para sa aking mga anak. Ngunit bumangon parin sa Hiwalayan ng tuluyan ng mawalan ng maayos na decision para sa kanyang mga anak Ang aking asawa..
Sa madalit sabi, similar ng umalis sya nagiisa n akong ama at ina ng 6 kong anak.. noong humiling ako sa Dios ng trabaho n kahit ano basta hibdi ako ikahiya ng mga anak ko, sinabi ko sa panalangin n magsisikap ako kahit gaano man ito kahirap, importante my kinikita ako at may maisuporta sa mga anak ko.. nagsimula ako sa 10k n sahod from Saudi Arabia, after 2yrs 10k ulit sa Bahrain, hirap ako sa pagsabay sabay ng 3 kong kolihiyo, pero naniniwala ako kahit maliit Ang ating kinikita kung gagamitin ito sa tama, pagpapalain ito ng Panginoon. After 2 yrs again from Bahrain, napunta nmn ako ng Dubai at dito nagsimula ako sa 13k as cook nmn. Mjo ok na may konting subra n sa mga need ng mga anak ko, pero inilalaan ko parin un sa mga extra needs nila. Sukdulan ng kalimutan ko muna Ang sarili kong pangangailangan at kagustuhan including having another husband para magmpanan ko Ang aking responsabilidad na dapat ay sa kanilang ama.. ngayong araw, naispired all magsulat ng aking karanasan, sa dahilang napansin ng kasama ko Ang aking suot n damit, may punit na, minsan pansin ko rin yong pajama kong suot lawlaw na, minsan napansin ko rin pati pala my punit kong under wear pinagtatyagaan ko pa! nakakawa mn o nkakahiya pero isang katotohanan sa aming mga OFW! Gusto ko na yatang maluha, minsan nanaawa din ako sa sarili ko, pero pagnaiisip ko Ang mga anak ko? Napapangiti nlng ako.. 2 sa aking mga anak ay nakatapos na sa kolihiyo yan at sa tulong at guidance ng ating Panginoon, at sa pamamagitan ng pagsisikap ko bilang isang house maid. Tiwala sa Dios, pagtitiis, at pagpapahalaga sa ating pinagkakakitaan, at tiyaga. Mga susi tungo sa ating minimitihing tagumpay. Thank you sa pagbabasa ng aking maikling kuwento..
Not included the worst experience I have here.. God bless all OFW! Mabuhay po tayo
44 years old na, hiwalay na since I went abroad..2006 I have 6 kids all of the was my responsibility alone..
Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh