Nalulungkot at naluluha ang isang netizen sa sakit ng kwento ng isang matandang lalaki na hindi daw tinagpo ng anak

Nalulungkot at naluluha ang isang netizen sa sakit ng kwento ng isang matandang lalaki na hindi daw tinagpo ng anak

- Kay sakit isipin na may mga anak na kayang balewalain ang kanilang mga magulang sa pagtanda nito.

- Unang naispatan ng KAMI ang nakaka-antig sa damdamin na kwento ni Tatay na hindi daw tinagpo ng kanyang anak na lalaki sa 'Definitley Filipino' Facebook page.

- Ayon sa kwento, sinabi ng matanda na wala na dawng pakialam ang kanyang anak sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang kwentong ito ay galing sa isang post sa 'Buhay Pinoy'na galing din sa isang netizen na nagpangalan lang na Yang na syang naglahad ng kwento tungkol kay Tatay.

Ayon sa salaysay ng babaeng netizen, habang pauwi daw siya galing sa isang lugar ka nilang probinsiya na ang pangalan ay Tacurong, may nakilala daw siyang matanda.

Itong matanda ni tinawag nyang Tatay ay nakasakay sa bus na sinasakyan nya pero hindi sila magkatabi ng nasabing matanda.

Sa pagpatuloy nya, sabi nya na malapit lang daw sya sa likod ni Tatay at nakikita at nadidinig nya ito.

Ang matanda daw ay parang naguguluhan kaya dahil dito ay lumipat daw siya sa tabi ng matanda.

At ng malapit na sila sa isa namang lugar na pinalanganan nyang Buluan, kinwento nya na kulang daw ang pasahe ni Tatay.

Naitanong din daw niya na kung sya lang ba daw ang bumabyahe at ang sagot ng matanda ay oo.

Ikinwento ng matanda na meron daw syang anak na lalaki na pinuntahan sa Tacurong pero di daw nya nakita ang anak nya doon.

Patuloy ng babaeng netizen, kinwento din daw ni Tatay na ilang araw na siyang naghahanap sa anak.

Dahil sa masaklap na kwento ni Tatay, nagplano ang babaeng netizen na kilalanin na lang daw niyang mabuti.

Saad pa niya, pareho daw silang taga Kidapawan at pagdating nila sa lugar nila, kumain daw sila ng pagkain ang tawag sa kanila ay 'Boyaks.'

At dito naman, ikinwento ni Tatay na wala na daw syang pag-asa na makita ang anak nya.

Isang beses sa isang taon lang daw nya nakikita ang anak na lalaki pero sa pagkakataong ito hindi daw nya ito nakita.

Dagdag pa daw ni Tatay na wala na daw pakialam ang kanyang anak sa kanya.

Naawa daw ang ang babaeng netizen kaya binigyan na lamang daw niya ng pagkain si Tatay para maginhawaan.

Walang magawa ang babaeng netizen sa masaklap na kwento ni Tatay, kaya nalulungkot at naluluha sya habang pinakikinggan ang matanda.

Gutom na gutom daw ang matanda kaya ibinigay na lang din nya ang kanyang pagkain.

At sa pagtatapos ng babaeng netizen, walang wala daw din sya pero tinulungan pa rin nya ang matanda at binigyan daw din nya ito ng kaunting pera.

Hinatid na lang daw din nya si Tatay sa kanila at noong umuwi na siya ay naluluha na lamang sya na marealized kung bakit may mga anak na kayang gawin ang gantio sa kanilang mga magulang.

Hindi natin alam ang buong kwento tungkol dito pero nakakalungkot isipin kung totoo man ito.

Ang post na ito na shinare ng 'Definitely Filipino' ay nakahakot ng libu-libong likes, daan-daang shares at comments.

Visit HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Usap-usapan online ang diumano'y tila pagbabalik ni Super Sireyna Sabel Gonzales

Usap-usapan online ang diumano'y tila pagbabalik ni Super Sireyna Sabel Gonzales

Usap-usapan online ang diumano'y tila pagbabalik ni Super Sireyna Sabel Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel