Jolina Magdangal, may matinding hugot at tanong sa mga kababayan nating OFW
- Kamakailan lang ay may matinding hugot si Jolina Magdangal patungkol sa mga kababayan nating OFWs
- Meron siyang pinost na katanungan para sa kanila
- Sinagot naman ito ng maraming netizens, lalo na ang mga OFWs
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dinaan ni Jolina Magdangal sa isang post ang kanyang hugot at tanong sa mga kababayan nating OFWs.
Nalaman ng KAMI na humahanga si Jolina sa mga OFWs pero hindi niya alam kung paano nila natitiis malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sinimulan niya ang kanyang post na wine-welcome sa pagbalik ang asawa niyang si Marc Escueta. Ayon pa sa kanya, 2 araw daw na hindi nila nakatabi ang asawa dahil may gig ito sa Legaspi.
"Welcome back Papa. Halos dalawang araw sya wala sa tabi namin ni Pele kasi may gig sila sa legaspi. Kulang na kulang ang pakiramdam. Kaya naman gumising ako ng maaga para ipagluto sila ni Pele ng masarap na breakfast."
Sinundan nito ang pagsabi ng aktres na bilib siya sa mga OFWs at tinanong sila kung paano nila nakakaya malayo ng matagal sa pamilya nila. Tinanong din niya kung sapat ba ang technology para makaya ang lungkot.
"Di ko talaga maimagine na isa sa amin ay malalayo ng matagal. Kaya sobrang bilib ako sa mga may asawa, magulang o anak na isang OFW. Paano nyo nakakaya na malayo sa family nyo at hindi sila mayakap ng matagal? Sapat ba ang technology para makaya nyo ang distansya? Kasi ako hindi ko talaga kakayanin."
Maraming netizens ang sumagot sa post ni Jolina, lalo na ang mga OFWs. Pinaliwanag nila kung paano nila natitiis ang pagiging malayo sa kanilang pamilya. Karamihan sa kanila ay pare-pareho ang sagot na kailangan nilang lumayo para mabigyan ng mas maayos na kinabukasan ang mga anak at pamilya nila.
Ito ay isang bagay na hindi nila pipiliin para sa kanilang sarili pero dahil sa hirap ng buhay ay napipilitan silang gawin.
Meron ding ilan na medyo na-offend sa post ni Jolina na sana hindi na raw dinamay ang mga OFWs sa post niya. Ayos lang naman daw na ipagmalaki niya na masaya siya sa pamilya niya. Pero hindi na raw dapat tanungin pa kung paano nakakaya ng mga OFWs malayo sa pamilya nila dahil sobrang obvious naman daw ang sagot. Hindi naman daw lahat pinagpala kagaya niya na hindi na kailangan pang mangibang-bansa para buhayin ang pamilya.
Read some of the comments from netizens below:
"tiniitiis ang mgkalayo gawa ng kahirapan"
"ang sakit mgkalayo kaso gawa ng kahirapan tinitiis ang lahat ng hirap at sakit para sa future ng pamilya ma’am jolina."
"Husband ko din idol jolens mahirap pero kakayanin para s future ng mga bata....."
"Walang kakainin kung di aalis... I think wala lang tlagang choice."
"Kung alam nyo lang kung gaano kahirap. Nakaka-depress...."
"Swerte mo idol na kasama mo family mo, pero I don’t thinks it’s right na idamay mo pa ang OFW kung pano nila kinakaya na malayo sa Family nila. Common sense naman, syempre malungkot, pero karamihan no choice sila dahil kapos sa pera. Kasi karamihan dinaman pinagpala katulad mo. Tama ng I shout mo na masaya ka kasi kasama mo ang pamilya mo, pero hwag mo ng iparamdam lalo sa mga OFW na pano nila nakakayanan malayo sa Family nila. Isip isip din sa sinasabi."
"Sobrang hirap malayo sa family, 6 years na ako ofw lumalaki mga kids ko wala ako sa tabi nila pero yearly naman umuuwi ako, mahirap kase dami problema dumadating kapag magkalayo kayo.."
"mhirap mlayo tlga ako nga 9mos plang baby ko nung iniwan ko pra mangibang bansa ngaun 2yrs and 4mos n sya hindi kpa lage nkikita dahil mhirap cignal s lugar ng ate ko"
"Mahirap pag OFW dahil lahat ng sakit mararanasan mu like me until now I'm still on process of recovering kc last sept 2016 my youngest son passed away while im working here at UAE umuwi ako nkaburol n sya hnd ko man lng sya nayakap or nahalikan s huling sandali mnsan iniisip ko SNA hnd n lng ako umalis but iniisip ko p dn yung future nla kya ms pinili ko wla sa tabi nla and I'm still here working for my only one son now but this is my last at ako nman magaalaga sknya.."
Kinasal sina Mark Escueta at Jolina Magdangal sa Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City, Cavite, noong November 21, 2011. Ipinanganak ni Jolina ang kanilang panganay na si Pele Iñigo, noong February 18, 2014.
Si Jolina ay kasalukuyang buntis sa pangalawa nilang baby na papangalanan nilang, Vika Anaya.
On this episode, our amazing coach Chrystalle will show you three different exercises that will help you get rid of stubborn body fat. Three exercises. Three minutes. One skipping rope. No stops. Great results. Spoiler: this HIIT Cardio Workout is very powerful! Are you ready to take the first step to getting your dream body?
Fat Burning Exercises: HIIT Cardio Workout with Chrystalle - on BeKami YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh