Nabasagan ng ngipin! Amy Perez, aksidenteng nasiko ni Ryan Bang

Nabasagan ng ngipin! Amy Perez, aksidenteng nasiko ni Ryan Bang

- Hindi sinasadyang tamaan umano ng mikroponong hawak ni Ryan Bang si Amy Perez

- Nabasag daw ang ngipin ng It's Showtime host na si Amy dahil dito

- Nilinaw naman niya na okay sila ng co-host niyang si Ryan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasalamatan ni Amy Perez ang isang dentista kung saan siya nagpaayos ng kanyang ngipion na nabasag. Ito ay dahil sa di sinasadyang nasiko at pagtama ng mikroponong hawak ni Ryan Bang sa ngipin niya.

"Nananahimik ako sa tabi niya, nakatayo ako, tinamaan, tumama po talaga ang mic sa ipin ko," saad niya.

Gayunpaman, hindi daw ito sinasadya ni Ryan at wala siyang sama ng loob dito.

"Hindi naman sinasadya ni Ryan.

Ayon pa kay Amy, abot abot ang paghingi ng tawad ni Ryan sa kanya.

Nakakatawa si Ryan, nag-sorry po siya sa akin, mga Kapamilya, sa lahat ng plataporma: sa text, sa Instagram, sa tweet, pati sa plataporma de gobyerno. Kulang na lang po talaga lumubog 'yung bata sa lupa. I love you, Ryan Bang. Hindi naman sinasadya.”

Sabi pa ni Amy, naayos naman at nagawaan ng paraan ang ngipin niya. Pinasalamatan din niya ang lahat ng madlang pipol na nagparating ng pag-aalala at pagmamahal sa kanya.

“Okay na po ang lahat, naayos naman, nagawan ng paraan... at sa lahat ng 'Showtime' madlang pipol, thank you po sa inyong love and concern," buong pusong saad niya.

BBOOM BBOOM Dancing Challenge- on HumanMeter

How would you react when you see a beggar dancing to a viral dance craze? Check out this video and enjoy the reactions of the people watching.

Source: Kami.com.ph

Related news
Amid rough relationship, Raquel Pempengco makes brave request to Jake Zyrus

Amid rough relationship, Raquel Pempengco makes brave request to Jake Zyrus

Amid rough relationship, Raquel Pempengco makes brave request to Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel