Jolina Magdangal, 'high risk' ang pagbubuntis dahil sa diabetes

Jolina Magdangal, 'high risk' ang pagbubuntis dahil sa diabetes

- Naikwento ng asawa ni Jolina Magdangal na si Mark Escueta na may Gestational Diabetes daw ang TV host ng 'Magandang buhay'

- Dagdag pa ni Mark, may ilang pinagdaanan din si Jolens sa kanyang pangalawang pagbubuntis gaya ng acid refux at maging spotting

- Tinuturing na 'high risk ang pagbubuntis ni Jolens dahil sa Gestational Diabetes na na-diagnosed sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa isang post ng asawa ng 'Magandang Buhay' host Jolina Magdangal na si Mark Escueta, malapit lapit na ang panganganak ng kanyang misis sa kanilang pangalawang baby.

Nalaman ng KAMI na sa huling semester ng pagbubuntis ni Jolina ay na-diagnose pa siya ng Gestational Diabetes.

Ito ang dahilan kumbakit tinuturing na 'high risk' ang pagbubuntis ni Jolens sapagkat isa itong kondisyon kung saan tumataas ang sugar level niya at kadalasang lumalabas sa ika-28 na linggo ng pagbubuntis.

Dagdag pa ni Mark, 'challenging' daw talaga kay Jolina ang pagkakaroon nito na dinanas lamang niya ngayon sa kanilang pangalawang baby.

"Takot siya sa injection pero ngayon kayang kaya niya gawin sa sarili niya, kasabay ng malaking adjustment sa pagkain," ani Mark.

Sabi pa ni Mark, di ito ang unang beses na nakaranas nag pagsubok si Jolina. Nakaranas din daw ito ng spotting at acid reflux.

Ngunit tila di ito alintana dahil nakikita parin ang sigla ni Jolina sa Magandang Buhay.

Dahil sa mga pinagdadaanan ngayon ni Jolens sa kanyang pangalawang pagbubuntis, labis na humahanga naman ang kanyang mister sa kanyang katatagan.

"May superhero sa sinehan, pero si Jolina superhero sa aming tahanan, sa aming buhay. Pag labas ni Vika, balak pa niyang talunin yung breastfeeding record niya kay Pele na almost 2 1/2 years. Isa nanamang bagay na di ko pwedeng gawin, haha! We love you Mama! Ikaw ang inspiration ko sa lahat ng bagay at nakaka inspire ka rin ng napakaraming momshies at future momshies na nakakanood sayo," ani Mark sa isang instagram post niya na may larawan ni Jolina at proud pa siya na si Jolens lamang ang nag-make up sa sarili niya.

Nasa ika-36 na linggo na si Jolens sa kanyang pagbubuntis kay Vika ngunit todo hataw pa rin siya sa pagkanta sa It's Showtime.

Dahil sa kanyang kondisyon, CS o Cesarean section na agad ang kanyang panganganak.

This prank will make your day! BBOOM BBOOM Dancing Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel