Working student na ilang beses nang muntik sukuan ang trabaho at pag-aaral, ngayon, graduate na

Working student na ilang beses nang muntik sukuan ang trabaho at pag-aaral, ngayon, graduate na

- Binahagi ni Kim Charlotte Jocson Aranjuez ang kanyang kwento kung paano niya naitawid ang kanyang pag-aaral kasabay ng kanyang trabaho

- Inamin ni Kim na ilang beses na niyang muntik sukuan ang pag-aaral dahil sa hirap at pagod niya sa kanyang trabaho

- Laking tuwa ni Kim nang makita niya ang kanyang pangalan sa graduating list sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resource Development Management

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na bago sa ating mga Pilipino na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Ngunit, di lahat ng nasa ganitong sitwasyon ay napapagtagumpayan ito.

Pero para kay Kim Charlotte Aranjuez, ngiting tagumpay na ang namumutawi ngayon sa kanyang labi at natapos niya ang kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resource Development Management.

Hindi naging madali para kay Kim ang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho niya sa Jollibee.

Inamin niya na hindi lang isa ngunit maraming beses nang sumagi sa isip niya na sukuan ang kanyang ginagawa dala ng pagod at hirap dahil oras ang kalaban niya sa kanyang mga ginagawa.

Tuwing alam niyang bumibigay na ang kanyang katawan at isip, dinadaan na lamang niya sa mataimtim na dasal ang lahat.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Kim na binahagi sa KAMI. Isa siyang tunay na inspirasyon sa lahat ng kabataan ngayon, sabi nga niya maswerte ang nakakapag-aral ng kolehiyo nang may nagpapaaral at sinabi rin niya na para naman sa mga kagaya niyang working student, kung kinaya nga raw ni Kim, kaya niyo rin!

"Ma'am/ sir sorry po nalate ako kasi galing pa po ako sa trabaho."

"Ma'am/ sir sorry po malalate po ako sa trabaho ko may kailangan lang po tapusin dito sa school."

"Ma, wala bang pagkain, nagugutom na kasi ako galing pa kong school tsaka trabaho."

"Ma'am/ sir maghahalf day lang po ako ngayon sa OJT ko, papasok pa po kasi ako sa trabaho."

"Jolly morning, afternoon, evening ma'am/ sir welcome to jollibee."

"Bes, ano nga pala yung assignment natin? Nakalimutan ko na, di ko na kasi alam uunahin ko."

"Lord, ano ba to? Pagod na pagod na ko."

Yan ang lagi kong sinasabi. Pag sobrang pagod na, mapapatanong kana lang ng "worth it ba lahat to?" Minsan sa sobrang pagod ko, gusto ko ng magwalk out. Gusto ko na iwan yung mahabang pila ko, yung customer ko na pabago bago ng order, yung customer ko na ayaw ng gantong part ng chicken, gusto ganto. Yung customer na for dine in, take out na lang daw pala. Grabe nakakapagod, sobra. Pero minsan kasi, yung simpleng masabihan ka lang nila ng "thank you ha, pinili mo ko ng big part." Kahit papano nakakabawas ng pagod. Kahit papano mapapangiti ka ng totoo.

Nung una, tinatanong ko yung sarili ko "kim, kaya mo paba?" Tapos magtatanong ulit ako "Lord kaya ko pa diba?" Walang salitang makakapagpaliwanag sa bawat pagod na naramdaman ko. Alam ko mga katulad kong working student ang higit na nakakaalam ng gantong pakiramdam. At kung ikaw, hindi ka katulad namin, maswerte ka. Dahil hindi mo alam yung gantong hirap, kaya sana pagbutihan mo ang pag aaral, bilang sukli mo sa mga taong naghihirap na mapag aral ka.

Masaya kong nakita ko ang pangalan ko sa official list ng graduating.

At tandaan mo, kung kinaya ko. Kaya mo rin.

Kim Charlotte Jocson Aranjuez

Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resource Development Management

Batch 2017 - 2018

Jollibee Crew

Congratulations Kim, from KAMI!

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica