Grace Lee, nagsalita na tungkol sa naging 'relasyon' nila ng dating pangulong Pnoy

Grace Lee, nagsalita na tungkol sa naging 'relasyon' nila ng dating pangulong Pnoy

- Nagbigay ng ilang detalye si Grace Lee tungkol sa sandaling pakikipag-date niya sa dating Panguling Noynoy Aquino

- Sa isang panayam sa kanya sa isang korean talk show na 'Video Star' kinuwento ni Grace kung paano makipag-date ang dating pangulo ng Pilipinas

- Binigyang linaw din ng dating TV host na hindi sila nagkaroon ng anumang relasyon ni Pnoy, kundi lumalabas lang sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang Talk show sa Korea, binigyang linaw ng dating Kapuso TV host ang dating resyon niya kay Pangulong Noynoy Aquino.

Nalaman ng KAMI na kinuwento ni Grace na nasa estado pa lamang daw sila ng 'dating' at 'getting to know each other' ng dating Pangulo ng Pilipinas.

"We weren’t officially dating but had ‘something’ going on. In the Philippines, you call it the dating stage. If the two are interested in each other then you can go out for dinner together.”

"The rumors started spreading when we were on the stage of getting to know each other so we couldn’t go any further,” dagdag pa ni Grace.

Naging laman ng mga pahayagan ang pakikipag-date di umano ng dating pangulo kay Grace noong 2012 at ayon ksy Grace umabot din ng 4 na buwan ang kanilang pagdi-date.

Naitanong din ng host ang mga 'good points' ng pangulo. "He’s very smart and I could feel that he’s a good person after having talks with him," sagot ni Grace.

Naikwento rin ni Grace na bagaman at di na sila nagkikita nang may ilang taon na ang nakalipas, at nagkakatext pa rin naman sila at nagagawa pa ring magkumustahan sa kung anuman ang nangyayare sa isa't isa.

Narito ang video ng panayam kay Grace sa Video Star talk show sa Korea na nakuha ng KAMI sa youtube.

Ngunit binigyang linaw ni Grace na di na marahil magle-level-up pa ang ganoong sistema nila ng dating pangulo.

"You never know what can happen but our ‘some’ just ended there. I can comfortably talk about it now because it happened a long time ago,” paliwanag ni Grace.

Si Grace Lee ay naging Kapuso bilang isang newscaster at TV host doon.

Umabot din ng 2 taon bago siya lumipat sa TV5 kung saan pinagpatuloy niya ang newscasting at hosting.

Naging radio jockey din siya at nakasama niya si DJ Mo Twister sa programang "Good Times with Mo" mula 2007 hanggang 2012.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel