Binata na pinalaki at namuhay na isang babae, 16 na taon bago nakumpirma na isa pala talaga siyang lalaki
- Kakaiba ang kwento ni Maher Borhan na buong pag-aakala niya na isa siyang babae, umabot pa ng 16 na taon bago pa niya nakumpirma na siya ay lalaki pala
- Nagtataka si Maher kumbakit nagkakagusto siya sa 'kapwa' babae ngunit isang araw, sa clinic ng Unibersidad, nakumpirma ang tanong bumabagabag sa kanya
- Ang masaklap, dahil siya ay kakaiba. kinukutya siya na salot at malas, dahil lamang siya ay isang hermaphrodite
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Di biro ang dinanas ni Maher Borhan dahil sa kakaibang kwento ng kanyang buhay na buong tapang niyang binahagi sa KAMI.
Lumaki si Maher bilang isang babae. Nagdadamit babae, bistida ang suot niya sa kanilang JS Prom, naka-lipstick, naka-make up, ngunit isang malaking tanong ang bumabagabag sa kanya, "Bakit tila nagkakagusto siya sa kapwa niya babae"?
Buong tapang na binahagi ni Maher ang kanyang karanasan kung paano niya natuklasan na isa pala siyang Hermaphrodite. Ito ay isang kondisyon na maaring mukha siyang babae mayroong ari na para sa babae ngunit isa pala talaga siyang lalaki.
Inabot pa ng 16 na taon bago niya tuluyang nakumpirma ang kanyang kondisyon. Nursing ang kursong kinuha niya sa kolehiya kung saan kinakailangan niyang magpa-medica. Doon niya napagtanto na hindi nga pala siya nagkakaroon ng buwanang dalaw.
Di na niya pinagpatuloy ang kursong nursing at nagshift na siya sa Engineering dahil iyon ang dinidikta ng kanyang nararamdaman.
Mula noon, nagpagupit na siya ng mahaba niyang buhok, at piangupit ito ng panlalake. ang masaklap lamang, may ilang kumukutya sa kanyang kondisyon, malas daw ito at salot pa sa lipunan.
Narito ang kabuuan ang kwento ni Maher Borhan na dating si Merfat E. Mohammad
I was raised as female but I am really male. Yes, I was diagnosed as TRUE HERMAPHRODITE
I am Maher I. Borhan. From cotabato city. I was born on April 26,1993 in our house in Bagua, Cotabato city. Inakalang ako ay babae nung ako ay isilang. Tatlong buwang gulang pa lamang ako nang magdesisyong mangibang bansa ang aking ama. At nang ako'y apat na taong gulang na, nagdesisyon sumunod at aking ina at ihabilin ako sa aking mga lolo't lola. Nag aral ako ng nakabestida, ngunit nararamdaman kong may iba. Di ko na pinapansin kasi alam naman nating bawal ang tomboy at bakla sa kahit anong relihiyon. Hanggang sa sumapit ako sa grade 4 ng unti unti ko na talagang napapansin na nagkakagusto ako sa babae. Ngunit nilalabanan ko talaga yung pakiramdam na yun, hanggang sa ako ay lumipat sa ibang paaralan at magsuot na ng hijab (belo), pantakip ng katawan at buhok sa relihiyong Islam. At mas nanaig ang paglaban ko sa aking nararamdaman dahil ako'y nakabelo na, pansin ko na rin na medyo nag iiba na ang aking boses, habang ang mga kaibigan ko namang mga babae ay pinag uusapan ang buwanang dalaw. Grade 6 na ako nun, syempre, di ko naman alam ang mga bagay na yan kasi di ko pa nga iyon nararanasan. May mga crush sila, habang ako sinasakyan ko na lang sila kunwari crush ko din yung lalaki pero ang totoo sila yung nagugustuhan ko. Nung umabot na ako sa high school, nag aral ako sa isang catholic school, at katulad ng ibang batang lalaki, nagbabago na ng sobra ang aking boses, wala akong dibdib. At ni hindi ko naranasan ang buwanang dalaw. Yung iba ko pa ngang kabatch binubully ako na mukha daw akong lalaki, bakla daw ako pero di ko na yun pinapansin. Hinahayaan ko na lang, hanggang sa isang araw, niyayakap ako ng kaklase kong babae sa may leegan banda. Nagtaka sya, tanong nya, Bakit ganun? Matigas, at may adams apple ka. Sagot ko, ah, hindi lang ako nakainom ng tubig. Yan na siguro yung kinain ko. Sumali ako sa mga JS Prom, nagsuot ng gown, naglipstick, nagsandal ng takong, nag bra kahit wala naman talaga akong dibdib. Ang hirap labanan yung pakiramdam na feeling mo nag iisa ka lang sa mundo.
Nung makapagtapos ako ng high school, pinili ko ang kursong nursing. Ngunit kailangan ng medical bago ka maka enrol, kaya nagpatingin na agad ako sa school clinic ng unibersidad na yun, kinapa kapa ng nurse ang dibdib ko, wala syang nakapa. Nagtanong sya, dinatnan kana ba. Ano ka ba, regular o irregular. Syempre di ko naman alam ang sagot ko, sabi ko. Ano po yun? Tanong nung nurse sa akin. Di kapa dinadatnan eh 16 years old kana diba? Sagot ko naman. Opo, hindi pa. Nagrecommend sya na pumunta ako sa isang obgyne. Pumunta ako sa ob dito sa lungsod. Dalawang sikat na ob gyne dito, dra. Kanakan at dr. Juanday. Then nagsuggest sila na pumunta ako sa davao for second opinion. Nung magpa ultra sound ako sa davao, nakita na wala akong ovary, fallopian tube, cervix and other female organs. Pero di ko pinansin yun, sabi ko, hindi. Babae ako, sinubukan kong magpatuloy sa pag aaral, hindi na ako nag nursing, nagcomputer engineering na lang ako. First sem lang ang tinapos ko nun, year 2009. Di ko na kinaya yung nararamdaman ko. Hanggang sa nagkulong ako sa bahay ng anim na buwan, hindi ako lumabas mula october 2009-march 2010.Pinutulan ko na ang buhok ko. Nung april 2010,nagdesisyon akong pumunta sa davao at doon ako mag aaral, at pinagpatuloy ko na din ang mga check ups ko, hanggang sa nalaman kong ako pala talaga ay lalaki. First sem din ang natapos ko sa davao, Bumalik ako sa cotabato, nag aral muli ako nung june 2011.Maraming nagtaka, maraming matang nakatitig, maraming nagbubulung bulungan. Nakapagtapos ako ng kolehiyo nung april 2015. Ang tanging nakakakilala lang sa akin ay yung mga kaklase ko noon,ngunit ang buong akala nila ay nag tomboy ako. Mahirap mamuhay sa kasinungalingan, kung first class country lang ang bansa natin, siguro, marahil, baka nalaman na agad pagkapanganak sa akin at di na sana humantong pa sa ganito ang naging buhay ko. Stressful sya, oo. Sobra. Hanggang ngayon, walong taon na akong namumuhay na ganito ngunit ganun pa rin ang husga ng mga tao. Na salot ako, na kamuhi muhi ang ginawa ko.
Hindi ko po kasalanan ang nangyaring ito sa akin, kagustuhan po ito ng Allah. Wala po akong ginawang mali, kahit po tignan nyo lahat ng results ng check up ko. 46xy po ang chromosomes ko, lalaki po yun, marahil di na rin ito bago sa pandinig nyo dahil may na feature na din na katulad ng kaso ko sa jessica soho. Nais ko lang pong ipagtanggol ang aking sarili laban sa mga taong mapanghusga. Mahirap po yung pinagdaanan ko, kung pinanganak kang may ari ng babae, magpa check up kapa rin dahil baka katulad kita. May mga kaso din na pinanganak ng may ari ng lalaki ngunit babae pala. Makikita nyo rin po yan sa google o youtube. Noon naniniwala ako sa kasabihang to see is to believe. Ngunit dahil sa nangyaring ito sa akin, nagbago ang pananaw ko. napaka swerte nyo dahil namumuhay kayo ng normal.
Maraming Salamat po.
Alhamdulillah. Allahu Akbar.
From Merfat E. Mohammad to MAHER IBRAHIM BORHAN
In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh