The Voice Kids contestant mula sa team ni Coach Bamboo, pumanaw sa aksidente

The Voice Kids contestant mula sa team ni Coach Bamboo, pumanaw sa aksidente

- Si Christian Pasno ay pumanaw noong May 13

- Siya ay mentee ni Coach Bamboo sa Season 2 ng The Voice Kids

- Motorcycle accident ang nagdulot ng kaniyang pagpanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na si Christian Pasno, contestant sa Season 2 ng The Voice Kids.

Nalaman ng KAMI na 13 taong gulang palang si Christian nang siya ay pumanaw.

Ayon sa ABS-CBN News at PEP.ph, namayapa siya nang maaksidente ang minamaneho niyang motorsiklo sa Barangay Mabalanoy, San Juan, Batangas noong May 13.

"Nag-overtake siya sa isang motor. Itong motor ni victim ay walang headlight.

"Merong tambak ng lupa, hindi niya napansin. Madilim dun,” sabi ni Senior Inspector Roy Cuevas ng San Juan Police.

Si Christian ay nakaabot sa battle round ng The Voice Kids noong 2015.

Ang kaniyang coach sa contest ay si Coach Bamboo.

Si Elha Nympha ang naging champion sa labanan.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ni Christian.

Students at the University of the Philippines (UP) were asked tricky questions including: can you guess who the people on this 1000 peso bill are? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ideal girl talaga! Nash Aguas, inamin ang dahilan kung bakit sobrang inlove kay Mika Dela Cruz

Ideal girl talaga! Nash Aguas, inamin ang dahilan kung bakit sobrang inlove kay Mika Dela Cruz

Ideal girl talaga! Nash Aguas, inamin ang dahilan kung bakit sobrang inlove kay Mika Dela Cruz
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel