Walang katapusang pagtitiis! Mga kuwento ng hirap at sakit ng isang OFW sa Middle East
- Isang OFW sa Middle East ang nagkuwento ng mapapait na karanasan sa kanyang amo
- Hindi nabibigyan ng sapat na pagkain at halos walang pahinga ang ilan sa mga tinitiis niya
- Pero lahat ng ito ay pilit na kinakaya para sa kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang KAMI follower ang nagpadala ng kanyang sulat patungkol sa kanyang karanasan bilang isang OFW sa Middle East.
Siya ay si Gina Pajarillo, 42 years old, isang single mother, na napilitan mag-abroad para sa kinabukasan ng mga anak.
Sa Saudi unang namasukan si Gina at unang araw pa lang niya doon ay sobrang takot at kaba na ang kaniyang naranasan.
"Sabi sya amo ko at sumama nmn ako khit na pakiramdam ko dko na kayang ihakbang paa ko sa pangambang to na huling sikat ng araw skin."
Malaki raw ang bahay ng amo ni Gina at meron itong tatlong palapag. Kaya naman halos wala siyang tigil sa pag gawa dito. Araw-araw ay tinitiis niya ang halos walang tulog at kasama pa nito ang gutom, dahil hindi sapat ang pagkain na binibigay sa kanya.
Siya lang ang nag-iisang kasambahay at wala siyang ibang katulong. Lahat daw ng gawain ay sa kanya inaasa. May apat na anak ang kanyang amo, isang 11, 9, 6 years old at 2 months old naman ang bunso. Siya rin ang nagaalaga sa mga bata.
Sa daming hirap na dinanas ni Gina, ay hindi niya inaasahan na mas may titindi pa pala dito. Nagulat siya ng matuklasan niya na ultimo ang CR na kanyang ginagamit ay nilagyan ng camera ng kanyang amo.
Nagulat na lang siya ng isang araw ay nagtataka siya kung bakit tawa ng tawa ang isa sa mga anak ng amo niya habang nanonood sa kanyang iPad. Nang sumilip siya, laking gulat niya na ang pinapanood pala ng bata ay isang video clip na kuha sa camera ng CR niya. Napapanood pala nila lahat ng ginagawa niya sa loob ng CR.
Natapos na ang contract ni Gina sa kanyang amo sa Saudi at nakauwi na rin ito noong November 2015. Nagsampa din siya ng reklamo sa POEA laban sa kanyang mga amo, pero hanggang ngayon ay wala pa din naging aksyon ukol dito.
Makalipas ang isang taon ay nakipagsapalaran ulit si Gina sa ibang bansa. Sa Qatar naman siya namasukan at umasang baka makatagpo ng mabait na amo.
Ngunit, muli na namang sinubok ang katatagan ni Gina, dahil hindi rin maganda ang karanasan niya sa kanyang pangalawang amo.
Kagaya sa nauna niyang amo sa Saudi, hindi rin siya nakakakain ng maayos dito. Bukod pa dito, nagalit sa kanya ang amo niyang babae dahil gumawa raw ng kuwento ang amo niyang lalake na niligawan siya at "honey" pa ang tawagan nila.
Ayon pa kay Gina, ang isa sa pinakamahirap sa pagiging OFW ay, "Kahit anong hirap klangan pa ding ngumiti ngunit sa likod NG ngiti Nayan ay punong puno NG hapdi pighati San buhay Lalo iniwanan mo pamilya buo sa pag uwe mo wala ka NG pamilyang uuwian yon Ang pinaka masakit samin mga ofw nagtitiis nag papakahirap para sa pamilya pero kapalit nto ay Ang magkahiwa hiwalay pamilya."
Saludo ang KAMI sa lahat ng mga OFWs sa buong mundo na nagtitiis ng hirap para sa kani-kanilang mga pamilya!
Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.
I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh