Sharon Cuneta, di na kailanman gagawa ng proyekto kasama si Gabby Concepcion

Sharon Cuneta, di na kailanman gagawa ng proyekto kasama si Gabby Concepcion

- Opisyal nang nag-bitiw ang Megastar na si Sharon Cuneta sa gagawin sana nilang pelikula ni Gabby Concepcion

- Nilinaw pa ng Megastar na di kailanman na siya tatanggap ng proyekto kung saan makakasama niyang muli ang dating asawa

- Umayaw na rin ang mga boss ng ABS-CBN para sana sa pelikula ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang nagdesisyon na ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na bumitiw at mag-resign na sa pelikula na sana ay pagtatmbalan nila ni Gabby Concepcion.

Nalaman ng KAMI na noong nakaraang linggo lamang ay magkakaroon sana ng story conference ang nilulutong pelikula ng dalawa ngunit nagkaroon na naman ng balakid sa panig ni Gabby.

Ayon sa pep, nagpahayag na pala ang Megastar na wala raw ganoong proyekto na magaganap.

"I actually officially resigned from the project," sabi ng Megastar.

"Sabi ko not next week, not next month, next year or any time in this lifetime!," dagdag pa ni Sharon.

Samantala, umayaw na rin daw ang Star Cinema bosses na sina Malou Santos at Olive Lamasanna ipagpatuloy pa ang pagbabalik pelikula sana nina Sharon at Gabby.

Dagdag pa ng pep, pinaghahanda na lang daw ang Megastar sa isang pelikula na ibang aktor ang makakatambal niya na siguradong disente at propesyunal.

Matapos ang nag-trending at nag-viral na McDonald's commercial nina Sharon at Gabby mabilis na kumalat ang balita na magkakaroon ng pelikula ang dalawa.

Ngunit, ilang beses na ring napabalita na nagkakaroon ang problema ang proyekto kaya naman di ito matuloy tuloy.

Sa ngayon, abala ang megastar bilang isa sa mga jury ng "Your face sounds familiar" sa kapamilya network.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel