Gaano ba kayaman si Jhong Hilario? Yumaman si ‘Sample King’ dahil sa sipag at tiyaga!

Gaano ba kayaman si Jhong Hilario? Yumaman si ‘Sample King’ dahil sa sipag at tiyaga!

- Malayo na ang naabot ni Jhong Hilario sa showbiz

- Sumikat siya sa “It’s Showtime” at nakilala rin lalo dahil sa “Ang Probinsyano”

- Ayon sa isang report, P11 million daw ang net worth niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napatunayan ni Jhong Hilario na ang tagumpay ay nakakamit hindi lang dahil sa talent kundi dahil din sa sipag at tiyaga.

Nalaman ng KAMI na yayamanin na rin pala ang tinaguriang “Sample King.”

Ayon sa Pilipino Scoop, ang net worth na raw ngayon ng aktor-dancer-host ay P11 million.

Nagsimula ang showbiz career ni Jhong bilang miyembro ng male dance group na Streetboys.

Pero tumindi ang kaniyang kasikatan nang maging host siya ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime.”

Sunud-sunod na ang roles niya nang sumikat, at nakilala rin siya bilang kontrabida sa primetime series na “Ang Probinsyano.”

Sa kabila ng kaniyang busy schedule, kinaya pa rin ni Jhong na maging isang councilor para sa Makati City.

Bago siya makipag-relasyon kay Maiya, na mas bata sa kaniya ng 15 years, siya ay kasal sa foreigner na si Michelle.

Makikita sa career ni Jhong na hindi kaagad-agad nakakamtan ang pangarap sa buhay. Dapat ay marunong magtiis, magtiyaga at mahalin ang trabaho upang magtagumpay.

Hiling ng KAMI na maraming ordinaryong Pinoy ang ma-inspire ng buhay ni Jhong!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week

Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week

Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel