Julie Anne San Jose, nilinaw ang isyu na wala silang pansinan ni Alden Richards

Julie Anne San Jose, nilinaw ang isyu na wala silang pansinan ni Alden Richards

- Nilinaw ng Kapuso star na si Julie Anne ang totoong estado ng kanyang relasyon ni Alden Richards

- Nagbabatian naman daw sila at 'civil' lang sila sa isa't-isa

- Dating naugnay ang dalawa sa bawat isa, ngunit nang biglang umusbong ang bagong love team ni Alden na si Maine Mendoza, nawala na si Julie Anne sa eksena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taon na raw ang binilang nang di pagpapansinan nina Alden Richards at Julie Ann San Jose.

Ngumit sa isang interview ng Pilipino star kay Julie Anne, nilinaw niya na bumabati naman sila sa isa't isa pag sila ay nagkikita.

Nalaman ng KAMI na tumango lamang si Julie Anne nang tanungin kung 'Hi' at 'hello' lang sila ni Alden.

“We’re civil,” ang matipid na sagot ni Julie Anne kung talagang batian lang sila ni Alden at di manlang ba sila nag-uusap.

Sila ay parehong inaalagaang mga artista ng Kapuso network kaya naman di maiiwasan na magkasalubong manlang sila sa studio.

Bago pa man mabuo ang di inaasahang love team ng AlDub, sina Alden at Julie Anne at unang na-link sa isa't isa.

Ngunit, nang umusbong at sumikat nang husto ang AlDub love team, tila nawala na lamang sa eksena si Julie Anne sa buhay ni Alden.

Samantala, taong 2015 pa raw nang tinuldukan nang dalawa ang di pagkakaunawaan.

Bago ito naganap, inamin nila na talaga sila nagpansinan matapos nilang maugnay sa isa't-isa.

Matapos ang kanilang alitan, ay makailang beses na rin sila uli na nagkasama sa palabas ng GMA gaya ng Eat Bulaga at Sunday Pinasaya kung saan palagiang mapapanood si Alden.

Naging bali-balita kasi noon na pinaasa lang daw ni Alden ang dalaga, bagay na itinatanggi talaga ng aktor.

"Wala naman pong pinaasa, wala naman pong ligawan,"

“Siguro po, naging iba lang ang relationship namin ni Julie Anne dati,"

“Siyempre, medyo nagkaroon lang po ng misunderstanding, pero naayos din naman eventually,” wika ni Alden sa hiwalay na panayam sa kanya.

Mapapanood si Julie Anne sa bago niyang palabas sa Kapuso network ang "My Guitar Princess."

Tila naka-move on naman na talaga ang aktres sapagkat mahigit 2 taon na sila ng kanyang "Mon Amour" sa katauhan ng kanyang boyfriend na si Benjamin Alves.

Si Benjamin ay naging leading man ni Julie Anne sa 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' kung saan marahil nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
7 Celebrity babies na may super K para maging the next generation big stars!

7 Celebrity babies na may super K para maging the next generation big stars!

7 Celebrity babies na may super K para maging the next generation big stars!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel