Netizens, may pasaring kay Mommy Divine matapos ang nangyari sa kanyang anak na si Sarah Geronimo sa Las Vegas concert

Netizens, may pasaring kay Mommy Divine matapos ang nangyari sa kanyang anak na si Sarah Geronimo sa Las Vegas concert

- Isa sa mga 'sinisisi' raw ng 'emotional breakdown' ni Sarah Geronimo ay ang nanay nito na tinatawag nilang Mommy Divine

- Ang ilang netizens ay di napigilang magkomento sa akusasyon na ito patungkol kay Mommy Divine

- Noon pa man ay nadadawit na ang mga magulang ni Sarah sa ganitong isyu dahil na rin sa pagiging 'strikto' raw ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang suporta para sa nag-iisang Popstar Princess na si Sarah Geronimo matapos ang kanyang madamdaming eksena sa concert niya sa Las Vegas.

Di na napigilan ni Sarah na ihayag ang totoo niyang saloobin sa kanyang mga tagapanood dahil siya raw ay nakakaramdam na ng pagod at tila 'empty' pa rin daw siya sa kabila ng natatamasang tagumpay.

"Hindi 'yung successful na shows o 'yung mga hits ang makakapag-kumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang isang tao, kundi 'yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi," ani Sarah.

Dahil dito nagkaroon ng kuro-kuro na marahil ang isa sa mga dahilan ng 'emotional breakdown' ni Sarah ay ang kanyang ina na si Divine Geronimo.

Nalaman ng KAMI na may ilang grupo ng netizens na nagpahayag ng saloobin nila patungkol sa pagkakasangkot ni Mommy Divine sa madamdaming pahayag ni Sarah.

Ayon sa video na ito mula Youtube, makikita na tahasang inaakusa ng mga netizens si Mommy Divine sa pagiging "gahaman" at "sakim" sa pera na hinahayaan na lamang magtrabaho ang kanyang anak na si Sarah kahit na di na pala ito masaya sa kanyang ginagawa.

Narito ang ilan sa mga patutsada ng mga netizens:

"Pakawalan mo anak mo Mommy Divine, ang dami niya kinita na pera na sapat na siguro po, let her go."

"Napaiyak sa daming perang uwi ng anak niya. pero empty, nay uso depression manmanan mo anak mo, tama na yung nacontribute niya, wag mo gawin kaban!"

"Greedy... sa pera"

"Kung makahigpit sa anak akala mo nag-iisang anak c Sarah e yung mga kapatid kaya ni Sarah mahigpit din siya na nag-aaral sa abroad."

"Sawa na siya sa mga responsibilidad na nakapatong sa ulo't balikat niya"

"Sana parents niya bigyan na siya ng freedom... parang parents niya di suportado pakikipagrelasyon niya kay Matteo"

"Love ba talaga siya ng parents niya, dapat ganap na niyang maranasan ang freedom ng isang adult. sana ma-realize yan ng magulang niya."

Minsan nang nadawit ang pangalan ng mga magulang ni Sarah Geronimo sa pagiging 'strikto' raw nito sa singer actress.

Sa isang interview ni Sarah kay Boy Abunda, 5 taon na ang nakalilipas, nabanggit ni Sarah na di talaga pabor ang kanyang mga magulang sa pakikipagrelasyon.

Isa lamang itong pruweba na marahil hawak parin si Sarah ng kanyang mga magulang maging ngayon na nasa hustong gulang na siya na 29.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel