"Popcorn Girl" nag-viral di lang dahil sa kanyang kagandahan kundi dahil sa kanyang kabutihan

"Popcorn Girl" nag-viral di lang dahil sa kanyang kagandahan kundi dahil sa kanyang kabutihan

- Nag-viral ngayon ang larawan ng isang magandang dalagita na tinawag nilang "popcorn girl"

- Kapansin-pansin ang ginawa niyang ito sapagkat tinulungan lamang niya ang totoong tindero na mabenta ang mga popcorn na niluluto at binibenta nito

- At dahil nag-viral ang larawan ni 'Popcorn girl' napag-alaman na ang tunay na pangalan pala niya ay Lourilyn Alvaran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bukod sa agaw pansin niyang ganda, hinangaan si Popcorn girl sa kanyang busilak na puso.

Nalaman ng KAMI na isang Keren Kazia Bondad Casa ang nag-upload ng mga larawan ng isang dalagitang nagtitinda ng popcorn sa Mabalacat Pampanga.

Ayon sa Definitely Filipino Buzz, nilagay ni Keren sa caption ng facebook post niya ang "Popcorn girl of Mabalacat City, Pampanga".

Napansin pala ni Popcorn girl na tila matumal ang benta ng totoong popcorn vendor.

Di siya nagdaalwang isip na tulungan ang nagtitinda, at siya na mismo ang nagbenta para dito.

Nang si Popcorn girl na ang nagbenta, dumagsa ang mga mamimili dito dahil lagi rin itong may nakahandang ngiti sa bawat bumubili.

Ngunit, di lang pala maganda ang kalooban ni Popcorn girl, agaw-eksena rin ang kanyang magandang mukha na sabi ng iba ay pinaghalong Arci Muñoz at Barbie Imperial.

Matapos itong i-post ni Keren, mabilis na nag-viral ang kanyang mga larawan kaya naman mabilis ding nalaman ang tunay niyang pangalan.

Napag-alaman na Lourilyn Alvaran pala ang tunay na pangalan ni 'Popcorn girl'.

Si Lourie ay 14 na taong gulang na isang Mabalaqueña.

Ayon sa isang interview, di pala ito ang unang beses na tumulong si "Gigay", palayaw ni Lourilyn sa popcorn vendor.

Tinulungan na ri niyang magbenta ang parehong popcorn vendor noong Caragan Festival nito lamang Pebrero ng kasalukuyang taon.

Nagboluntaryo ring tumulong si Gigay sa isa namang nugget vendor noong 2017.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang kanyang ina na si Malou Cayetano sa kabutihang ipinakita ng kanyang anak.

At dahil likas na matulungin ang Grade 9 na si Lourilyn, inalok siya na maging isa sa MCG ambassadors of goodwill na kung saan magiging bahagi siya sa pagtataguyod ng mga program ng Mabalacat kasama na ang turismo.

Gigay was also offered to be one of the MCG ambassadors of goodwill and take part in promoting the programs of the local government which includes Tourism.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica